So I’m sending my mom back to our hometown in Mindoro. Baka doon sya gumaling at maka-bawi ng lakas. Alam naman natin ang matatanda, they are so attached to their roots para silang tanim na nangunguluntoy pag inalis mo sa kanilang lugar. Hopefully she will absorb the energizing vibes of familiar grounds at magtuloy-tuloy ang recovery.
The town is called Pinamalayan in the middle of Oriental Mindoro. Next to Calapan City which is the capital (and nearest to Batangas area), ang Pinamalayan ang pinakamalaki in terms of land area and population. Ito rin ang trading and business center ng mga kalapit na areas na hindi na pumupunta sa Calapan dahil malayo.
If you’re coming from Manila at magko-commute ka lang, you have to go to Buendia kung saan maraming bus na byaheng Batangas. The trip may take you from 2 to 3 hours, depende kung dadaan ng Star Tollgate which will save you much of the travel time.
Pagdating ng Batangas pier, that’s where your budget comes to play. Kasi kung may pera ka, you can take the SuperCat ferry na 45 minutes lang ang byahe from Batangas to Calapan. Pero sa tiket na 250 pesos (9 years ago pa yon huh) mahal sya compared sa mga ordinary RORO ferry na wala pa yatang 100 pesos ang pamasahe. Yon nga lang, halos 3 hours ang byahe sa RORO. Dito sinasakay yong mga bus na bumibyahe ng diretso to Visayas via the Nautical Highway daw ni Gloria. Dito rin nakasakay ang mga private cars, vans, jeeps at mga trucks na may kargang kung ano-anong kalakal to and from Manila.
Pagdating mo ng Calapan, it’s another 1 ½ to 2 hours ride papuntang Pinamalayan. Again, depende ulit sa budget mo kung saan ka sasakay. You can take an air conditioned van na ang pamasahe eh 100 pesos to Pinamalayan. Kung tipid ka naman, may mga ordinary buses na ang pasahe eh 50 to 60 pesos. Libre ang hot air at pulbos kung summer kaya pagdating mo sa destination mo eh daig mo pa ang na-make over ng lasing na beautician.
Along the way from Calapan, madadaanan mo ang Naujan Lake na sa tinagal-tagal ko na sa Mindoro eh hindi ko pa napuntahan. Madadaanan mo rin ang hometown ni Noli na kahit VP na ngayon eh wala pa ring nagawa sa Mindoro. Bakit? Makiramdam ka sa kalyeng dinadaanan mo, parang crater sa buwan ang mga lubak ke tag-ulan o tag-araw. Buti na lang bawi ka sa ganda ng scenery dahil sa Mt Halcon na napapaligiran ng malalawak na palayan.
Pagdating mo ng Pinamalayan, wag kang maghahanap ng mall. Malaki na dito yong dalawang grocery stores na pinupuntahan ko. At least naka-bar code ang mga tinda dito at may pos system na ang mga kahera. May ilang bangko naman dito pati Mercury drug store. Pero walang Jollibee or McDo. At least may stall naman ng Dunkin at Mister Donut. Ang maganda lang sa palengke namin, marami kang mabibiling fresh produce kasi nga probinsya. Lalo ang sea foods dahil wala pang 2km away ang dagat. Mas marami ang sariwa kesa mga isdang pinatigas lang sa formalin.
You have to take a tricycle ride para mapunta naman sa baryo namin. It’s a 30-minute ride from the town center kung summer. Pag tag-ulan, mas matagal kasi marami na namang lubak na iiwasan yong driver. But this time, up-close and personal ka na sa mga rice paddies. Amoy mo na yong bango ng nahihinog na palay. Pati ang natutuyong ebak ng kalabaw sa daan.
.
Ang baryo namin ay maliit na kumpulan ng mga bahay sa tabi ng kalyeng paputol-putol ang pagsesemento dahil nabibitin ang budget. Ke talagang walang budget o iniipit lang ng mga magagaling na pulitiko. At dahil probinsya, lahat ng magkakapit-bahay, magkaka-kilala at makaka-mag-anak.
Kung summer at tag-ani, ang makikita mo ay mga sako-sako ng palay na kung hindi naka-bunton sa tabing kalsada eh nakabilad gamit ang malapad na banig na nakalatag sa daan. Yon ang dahilan kung bakit minsan ang bigas na sinasaing mo eh may libreng bato.
And since tag-ani at may pera ang mga tao, wag ka nang magulat kung sa kainitan ng tanghali eh may mga nag-iinuman sa tindahan ni Tiya Coring. Sabagay kahit naman hindi tag-ani at walang pera, gin ang paboritong past-time ng karamihan ng lalaki dito. Lalo na pag tag-ulan at malamig. Kaya maiinit ang katawan. Kaya ang ending, maraming batang nanglilimahid na may akay na bunso, may kasunod pang nanglilimahid din na bata. As in parang hagdan, sunod-sunod ang size pero karamihan underweight. Malnourished, undernourished nandon na lahat. Wala na ngang makain dagdag pa ng dagdag sa populasyon.
Pero kung nong unang panahon eh pag-gawa ng bata ang libangan pag-kagat ng dilim, may ibang activities na ngayon. Dahil malapit sa sibilisasyon at inaabot pa ng poste ng kuryente, bawat bahay may tv at dvd. May 24-hr mahjongan kay Pinsang Mario. May videoke rin sa t
indahan ni Aling Edna na paboritong tambayan ng mga lasenggo. Kaya marami na namang umuuwi ng lasing. Madadagdagan na naman ng mga nanglilimahid na bata sa kalye.
Kung adik ka naman sa cel phone, wala ring problema. Nasa bandang likod lang ng bahay namin ang tower ng Smart. Kaya malakas ang signal, mag-text o mag-tawag ka na hangga’t gusto mo. May e-load kay Janet.
Since walang masyadong gimik sa baryo namin, tumambay ka na lang sa terrace ng bahay ko para malibang ka. Ito kasi ang nerve center ng baryo namin, talo ang barangay hall. Lalo pag nandon ako. Nandyan si Taning na nagtitinda ng puto at bibingka pag umaga. O si Tiya Pisik na laging may nilalakong meryenda sa hapon. Hindi rin umaabsent ang mga nagtitinda ng isda, gulay, kumot, picture frames, eskaparate, santo nino, sala set na kawayan at energy saver na bumbilya. Pwedeng cash, pwedeng utang, pwedeng hulugan, your choice.
Nandito din ang lahat ng klase ng gusto mong kahuntahan. Lalo na in between season ng taniman o anihan ng palay at walang trabaho ang mga tao. Lahat ng klaseng kwento, chika at tsismis, masasagap mo dito. Minsan, ikaw ang sasawa sa dami ng taong dumadating, humuhunta at umaalis. Minsan hindi ako makatulog pag tanghali lalo’t may naririnig akong kwento kung sino ang kumabit kanino!
Pag nagsawa ka sa mga magtitinda at magchi-chika, mag-survey ka na lang. Bilangin mo ang mga dumadaan sa tapat ng bahay. Ilan ang mga dalagitang paroo’t parito na ke babata pa eh kumakarengkeng na. O yong mga binatilyong may mga uhog pa pero kinakarir na ang pag-eemote sa mga karengkeng na dalagita. Bilangin mo rin ang mga nanay na may kargang bata. O may bitbit na labada. O yong mga tatay na may bitbit na manok na panabong. O yong may bitbit na gin. Nakasampay pa ang t-shirt sa balikat at parang pinag-mamalaki ang bundat na tyan.
At kung batang magugulo ang bibilangin mo, bilis-bilisan mo. Sabi ko nga sa yo, masisipag ang mag-asawa dito sa gawaing bahay. Sa gabi nga lang.
Kaya ang baryo namin, walang asenso. Iwan mo ng sampung taon, pagbalik mo ganon pa rin ang itsura. Iwan mo ulit ng another ten years, pagbalik mo, ganon pa rin. Naglakihan lang ang mga bata, nagsipag-asawa at nagsipag-anak ang mga karengkeng na dalagita at binatilyo. At nagsitanda lang at nawalan ng ipen ang mga dating mag-asawa, naging lolo at lola na. Pero ang buhay ganon pa rin. Mabagal, boring, nakaka-antok at nakakapanghina. Pag walang ani, maraming maghahanap sa iyo para mangutang. Pag tag-ani at may pera, ikaw naman ang maghahanap ng mga pina-utang mo.
Tipikal na buhay probinsya. Something na hindi ko ma-appreciate noon. At kahit hanggang ngayon. Pero ito ang lugar ng magulang ko. This is where their roots are. Dito rin ako pinanganak at lumaki. Kaya sa ayaw o sa gusto ko, I have no choice kungdi balik-balikan ang lugar na ito. And since babalik na dito si Madir, siguradong dito na naman ang susunod kong bakasyon. My first homecoming after another 9 long years na hindi ako umuuwi. Darn!