Siguradong magdidilim na naman ang kalangitan ng Pinas dahil sa dami ng paputok na sisindihan. Sabi kasi ng mga intsik, kailangan daw magpaputok at mag-ingay to ward off evil spirits. Eh pano kung kamay mo ang naputukan, ibig bang sabihin non, binalik sa yo ng evil spirit yong paputok? So hindi umubra ang powers ng sinuturun ni hudas! Wakanga!
Di ba malaking pera din ang ginagastos natin in keeping with this tradition? Aba magkano na kahit trompilyo lang. Tapos wala pang isang minuto, kaput na. Pero ewan ko nga ba. Kahit ako, bumibili rin ng fountain at luses kasi mukha ka namang kawawa pag nagkakagulo na ang mga kapitbahay mo tapos ikaw nakatingin lang.
Biktima rin ako nong practice na naglalagay ng mga bilog na bagay sa bahay sa ganitong araw. Aside from the prutas, nagkakalat ako ng mga coins sa buong bahay. Sabi kasi nila, susuwertehin ka raw sa pera if you follow this practice. Pero again, saan ba galing itong practice na ito? Di ba sa mga intsik din natin nakuha ito? Aba, eh kung ganon dapat sa February na tayo mag-celebrate ng new year!
But come to think of it, kung maraming pera ang wish mo kaya ka naglalagay ng mga bilog na bagay sa bahay mo, what about health? Syempre hindi lang pera ang gusto mong matanggap in the new year. Good health din. So ano, magsasabit ba tayo dapat ng puso, atay o kidney sa bahay natin para good health tayo? Hmmm… baka mapagkamalan tayong Dayo nyan!
Another tradition na maaring sa mga Kano natin nakuha ay yong new year’s resolution. Bakit kamo? Sige nga, ano’ng tagalong sa new year’s resolution? May narinig ka na bang nagsabing ‘naku gagawa ako ng listahan ng pagbabago sa bagong taon’? Wala di ba.
Siguro for some, it works. Sa akin hindi. Medyo kulang ako sa will power na sundin kung anoman ang sinulat ko. Lalo at medyo malaking challenge. Walang iniwan sa parusang ginawa sa akin ng teacher ko when I was still in grade school. Pinasulat ako ng isang buong blackboard ng ‘I will not be talkative in class’. Nasunod ba? Obviously hindi kaya ayan may Dante Speaks! Hahaha!
One genuinely Pinoy tradition ay yong tatalon ka raw pagdating ng new year. Lalo na yong medyo vertically challenged (oh ha, politically correct term yan). Eh pano kung sa katatalon eh natapilok? Di lalong napahamak. Baka mabawasan pa ng ilang inches yong kabilang paa, hindi tumaas kungdi naging pilay!
Bakit hindi na lang natin gawing tradisyon na mag-observe ng minute of silence, may kasamang prayer pag ganitong araw. Yong tipong pipikit tayo at magdadasal ng taimtim. To thank God for the blessings na natanggap natin sa natapos na taon. Kahit mga problema, ipag-pasalamat na rin natin. Afterall may natutunan tayo sa mga problemang yon.
Then, tell Him all the things that you wish for. I think mas effective ang dasal kesa sa paputok if you want to keep evil spirits at bay. Mas effective din yon kesa sa pagkakalat ng coins sa bahay if you want more fortune. Samahan mo nga lang ng pagkilos at konting pagpapa-plano sa buhay. At siguradong mas effective ang prayer if you wish for better health.
As for your height, ipagdasal mo pa rin. Yon naman eh kung teenager ka pa. Pero kung matanda ka na, tantanan mo na. Afterall, pwede ka pa rin namang mag-artista. Eh bakit ba si Dagul, Mahal at Mura!
Whatever we do, kung ano mang tradisyon ang susundin natin, sana lang mag-enjoy tayo at huwag kalimutang magdasal. Lalo ngayon that we are looking at a grim year ahead. Crisis with a capital C. Pero malakas ang pang-laban natin dyan, CHRIST. Lahat capital yan!