Monday, April 5, 2010

what goes around...

I was still very young when it happened. Nagising ako isang umaga na minamaso ang dingding ng bahay namin. I ran out of my room and saw my Mother crying. Ang Tatay at Lolo ko nag-tatalo. My Father was so furious. At 4 or 5 years old, inosente pa ako pero naiintindihan ko na na may nangyayaring hindi maganda.

.

Naibenta pala ng isang Tiyahin ko ang lupa at bahay na tinitirahan namin. Actually sa Lolo ko yon at dahil wala na ang Lola ko, doon kami sa kaniya nakatira para may kasama sya sa bahay. At sa kustombre namin sa probinsya, that house and lot should be inherited by my Father being the youngest son of my Lolo. Pero yon nga, behind everybody’s back, nagapang pala ng isang Tiya ko na papirmahin ang matanda para mabenta ang property. Daylight robbery at its finest.

.

Kaya wala kaming kaalam-alam, heto na ang mga trabahador ng intsik na nakabili nong lupa. Talo pa ang demolition squad sa squatters area. Walang patawad na giniba ang bahay namin. Kaya ang ending, nakisiksik kami sa lupa ng isa ko pang Tiya. At habang tinatayo ang bagong bahay namin, tumira kami ng ilang araw sa ilalim ng yerong sinandal sa isang puno. Daig pa namin ang mga refugee.

.

Imagine the humiliation and betrayal na naramdaman ng Tatay ko. Ate pa naman nya ang gumawa ng kalokohang yon. Isa sa kinonsider nyang Nanay dahil maaga ngang nawala ang Lola ko. Tapos ganon ang ginawa sa kanya. Kaya hindi ako nag-effort na maki-awat nong sinugod nya at sinakal ang Tiyahin kong alibugha. Sinumpa pa nya na wala daw syang kapatid na ganon ang pangalan. Patay na. As in pinutol nya talaga yong koneksyon nila bilang magkapatid.

.

But time really has it’s own way of healing wounds. Kahit gaano pa yan kalaki.

.

By the time na nagsa-Saudi na ako, naibili ko ng lupa at napagawan ng bahay ang Tatay at Nanay ko. Ang bahay na giniba at naging dahilan ng bitterness ni Tatay, napalitan ng medyo mas maganda. Mas malaki pa ang lote kaya may parking area sya sa kanyang pangarap na tricycle.

.

Siguro, Tatay took this blessing into consideration ng minsang lumapit ang alibugha kong Tiyahin. Nanghihiram ng pera. At ang Tatay ko, kahit pa sumumpa-sumpa some 20 years ago, hindi natiis ang kapatid na naghihirap. Nagpa-utang. Nagkaiyakan. Nagkapatawaran.

.

Mabuti na rin at nangyari yon coz after some 6 years, my Tatay died. At least, he left this world at peace. Nagkaroon ng closure ang malaking galit na nasa dibdib nya na dinala nya ng maraming taon.

.

Lately, nitong wake ni Nanay, dumalaw ang pinsan ko (anak ng Tiya kong bida dito sa kwento) at binabalitang bedridden na rin ang nanay nya. Na-stroke pa raw kaya paralyzed ang kalahati ng katawan. Walang pambili ng wheelchair kaya nanghiram lang. Namomroblema sya sa pambili ng gamot at pagkain sa araw-araw. The usual sob story of poverty.

.

The day after na malibing si Nanay, kinarir ko naman ang pagdalaw sa mga Tiyo at Tiya kong matatanda na. Matagal na kasi akong hindi nakakauwi ng probinsya at hindi ko sila nakikita. I just felt I owe them a visit para bago man lang mawala sa mundo ay nagkakamustahan kami. Kasama sa dinalaw ko si Tiyang alibugha.

.

She really is a picture of misery. Malayong-malayo sa mataray kong Tiyahin na nakapamewang pa noong mga panahong kino-confront sya ng Tatay ko kung bakit nya binenta ang lupa. Kung dati ay mataas ang boses nya, she can barely speak this time. Hindi ko maintindihan ang sinasabi kahit tumutulo pa ang laway sa sobrang effort na makapag-salita. Naka-wheelchair nga pero may tatak na property ng kung anong NGO yong wheelchair.

.

After more than an hour of kwentuhan, nagpaalam na ako. Sabay kuha ng kamay ni Tiyang alibugha at inipitan ng pera. Hindi yon ang kamay na paralisado kaya naramdaman agad nya na pera ang nilagay ko sa palad nya. Then she started weeping. I said some words of consolation para matigil sya sa pag-iyak.

.

While I was walking away from her, naisip ko, bakit sya umiyak? Nag-self-pity ba sya dahil sa katayuan nya ngayon? Naibalik ko na ba yong feeling of humiliation na pinadama nya sa amin more than 30 years ago? Naramdaman nya ba finally na ang mga taong kinawawa nya ay magiging mabait pa rin sa kanya? O baka talaga lang malaking bagay ang 1,000 pesos pag wala kang pambili ng gamot at pagkain.

.

Whatever it is, wala kahit kaunting color of vengeance ang pagdalaw na ginawa ko sa kanya. Afterall, hindi ko sya dinalang baggage kahit kailan. Kahit naawa ako sa Tatay ko noong umiiyak at nagwawala habang tinatapon palabas ng bahay ang mga gamit namin, hindi ako nagtanim ng galit sa kaniya. Siguro nga I was too young to feel the hatred. But what she did left something burning in me.

.

It was one of the reasons why I became so focused in life. Dagdag ammunition yon sa pagsisikap kong matupad ang mga plano kong matakasan ang kinalakihan kong kahirapan. Kaya in one very ironic way, I’m thankful to her. What she did gave me a real, honest picture of life. And it made me stronger ever since.

.

If this is the culmination of the saying what goes around comes around, I’m glad I wasn’t the one at the receiving end. And it only reinforced my principle na mas masarap pa ring mabuhay na wala kang inaagrabyadong tao. Coz down the road, even when you’re down and out, wala kang aalalahaning bad karma na babalik sa iyo.

.

1 comment:

Anonymous said...

Darling,

what you have done is the fruit of the holy spirit in you.

God has put us in a stature in life to do things to be magnanimous in character.

GBU.

Ciao,
fan-a-text