Wednesday, April 7, 2010

it's her 40th

time really flies faster than you thought. eto at 40th day na pala since Nanay passed away. i called my Ate this morning and she said tapos na yong padasal. nadalaw na rin nila finally yong puntod ni Nanay. maganda raw yong pagkakagawa ng lapida.
.
funny how my Mother is now reduced to a piece of marker. at tuwing bubuksan ko ang cabinet ko, there she is, in a piece of paper called certificate of death. pero sa utak ko, ayon at buhay na buhay sya. ramdam na ramdam ko pa ang pagtawa nya pag niloloko kong mag-asawa na lang ulit. at yong mga ngiti nyang pigil na pigil pero excited sa binigay kong jewelry. o kaya dolyares.
.
i will now be counting the days and years na umalis sya sa mundong ito. this time, medyo mas accurate na ang pagbibilang namin. di tulad ng birthday nya na hinuhulaan lang namin. wala kasing makitang birth certificate. kahit NSO walang data tungkol sa birthday nya. sabi kasi ng mga tiyahin ko, nong unang panahon daw when she was born, her birthdate was carved out sa isang baul. ang siste, inanod si baul ng baha. kaya walang ebidensya ng kapanganakan nya.
.
we found her first marriage certificate (my Tatay was her second husband) but unfortunately, year lang ang nakalagay. 1928. walang exact date. kaya hindi sya nagsi-celebrate ng birthday pag sya lang. hinahandaan na lang namin pag umuuwi ako.
.
ang nakakatawa, everytime na magpi-fill up ako ng forms requiring her birthdate, iba-iba ang sinusulat ko. philhealth, insurance, application form, etc. imbento lang ako ng imbento ng date. pati nga yong nakalagay sa lapida nya ngayon, imbento lang namin. at least tama pa rin yong year.
.
but now the counting stopped at 82 (totoong age yan based on 1928). at iba na ang bibilangin namin ngayon. the days that will soon turn to years na iniwan nya kami.
.
miss you po Nay. at sigurado natatawa ka rin sa lapida mo dahil ngayon mo lang nalaman, february ka pala pinanganak.

No comments: