The past week na naging abala kami at pagod, physically and emotionally, may mga bagay pa ring pumapasok sa utak ko na hindi pwedeng hindi ko isulat. Marami akong nakita at na-observe na sabi ko nga sa isang pinsan ko, ay nakakatawa at kung magpapaka-lalim ka ay siguradong maiinis ka.
Eto yong mga kustombre at kinagawian ng kulturang Pinoy, either local sa aming probinsya or widely observed across the whole nation. Wag na lang tayong magpakalalim para hindi tayo mainis at daanin na lang natin sa kalokohan. Magbibigay na lang ako ng awards this time na tipong mala-Razzie. Here goes.
.
The Ded Na Si Lolo Award. Ibibigay ko ito sa isang Tiyahin ko na nag-matanda pagdating sa mga pamahiin. Ang dami nyang pamahiin na lumitaw during my mother’s wake. Kesyo bawal maligo, bawal mag-walis at maglinis before the 5th day. Kaya ang mga pobreng tao sa bahay hindi agad makalapit at makayakap sa akin when I arrived. During the pa-syam, bawal daw buhatin ang plato, pinakain kaming magkakapatid ng sabay-sabay and out of the blue, bigla kaming sinabuyan ng asin. Biglang umalat ang pagkain namin at buti na lang walang tinamaan sa mata or else ang hapdi non. At syempre, during the burial hindi nawala yong ginawang bola ang mga bata sa taas ng kabaong. Tuwang-tuwa ang makukulit kong mga apo dahil akala nilalaro lang sila. Sabi nga naming magkakapatid, wala kami sa posisyon para sumuway dahil magmumukha kaming suwail. But the fact na parang OA na ang matatanda sa pagsasabi ng mga bawal, feeling ko parang nag-power trip na lang ang mga manang!
.
The Markang Demonyo Award. This goes to all the manginginom including my pamangkins, tiyuhin at iba pang tambay na walang inantay kungdi ang patak ng San Miguel. Bakit ba naman pag may okasyon ang pamilya hindi nawawala ang inuman. At palibhasa hindi naman ako drinker, naiinis ako sa mga lasing na makukulit. At mas nakakainis pag may nagwala na o nag-away. Gusto kong ipukpok ang bote ng gin sa mga ulo nila.
.
The Dead Weight Award. Ibibigay ko ito sa ilang pamangkin kong nabulyawan ko dahil nagkakagulo na kami sa dami ng trabaho pero ayon sila at naka-cross legs pa ang pagkaka-upo. Akala eh mga donya silang sila ang dapat silbihan instead na sila ang magsilbi. Para sa akin, sa mga ganong pagkakataon when unity is required, ang hindi nila pagpa-participate, kung hindi dahil sa katamaran ay dahil gusto nilang magpa-sosi.
.
The PG Award. One ugly reality na nakikita natin sa mga okasyon, kahit sa burol, ay ang mga taong gusto lang makalibre ng tanghalian at hapunan. Isama na rin natin ang almusal. I can’t help but wince in disgust nong may marinig ako sa isang babaeng nagmamadaling lumabas ng gate. Hindi siguro ako kilala kaya walang prenong nagreklamo sa nakasalubong nya na wala naman daw pagkain. Ang kapal. Pag-alis nya, pina-serve ko na yong dinner. Ewan ko lang kung bumalik nong maamoy ang pagkain! Walang ibang recipient itong award na ito kungdi ang babaeng yon!
.
The FIP (feeling important person) Award. Ito naman yong mga bisitang sa halip na makiramay, sila pa ang nakaka-istorbo. Either ayaw tumanggap ng kahit anong ialok mo or manghihingi ng kung anong hindi available at tatakbo ka pa kung saan para lang ma-grant ang request nila. Considering na lamay yon at hindi sosyalan, sana hindi na lang nagpunta kung makakaistorbo lang. May ilang maarteng bisita na tatanggap nito, hati-hati na lang sila!
.
The Tong-Its Award. Sa dami ng nakipag-lamay, meron akong mga nakitang hindi naman talaga pakikiramay ang pinunta. Some of them were just using the occasion as an excuse para iraos ang kakatihan sa pagsusugal. May ilang nag-uumpisa early in the evening at talagang nagbabad naman hanggang sikatan na ng araw the following day. But never once did they took a peek sa casket. Sabagay, mabuti na ring nandon sila, pampadami ng bilang. Besides, malakas mag-tong kaya may pambili na ng kape!
.
The Trying Hard Actress Award. It happened noong Tatay ko ang nakaburol. Biglang dumating ang isang tiyahin kong naglinya ng kung ano-ano habang umaatungal ng iyak. May mga linyang napa-aray ako kaya sabi ko sa mga nasa paligid ilayo na sya dahil baka masapak ko pa. Hurting kuno sa pagkawala ng kapatid nya pero wag ka... best actress nga.
.
The Romeo and Juliet Award. I’ll hand it out to the teenagers na ginawang lover’s lane yong lawn namin. Nakakita ng excuse na lumabas at mag-stay out late pero hindi yong wake ang talagang pinunta. Kinatagpo lang ang kanilang mga labidabs. Naku mga bata, baka multuhin kayo ng namatay, kayo rin!
.
And lastly, The Tasnee (plastikan) Award na walang aagaw dahil aking-akin ito! Kasi, in any family occasion, ito ang isa sa mga challenges ko. Ang harapin ang mga tao at kamag-anak na hindi ko type. Yong mga nakaka-irita na di bale na lang hindi ko makita at maka-usap. But unfortunately, dahil sa kultura ng Pinoy na ang kamag-anak ay parang exponent raised to the nth power, lalabas lahat ng mga kamag-anak mo raw. Parang kasalanan mo pa kung hindi mo sila matandaan or hindi mo sila totally kilala. Nagulat din ako when in two different nights, dalawang lasing ang yumakap sa akin at nag-eemote na wala na raw si Tiya. Which means pinsan ko sila. Pero ni hindi ko nga kilala! Pero syempre lasing kaya hindi pwedeng barahin. Kaya nilabas ko ang kakaunti kong naitatagong plastikan skill. Kaya nga sabi ko walang aagaw sa award na ito!
.
There you go. Tinawanan ko na lang at ginawang joke instead na magpaka-seryoso. Dahil wala akong aabutin kungdi ang mainis sa mga kustombreng ito kung magpapaka-lalim ako. And I’m sure you’ve seen em all too.
2 comments:
i think you have started regaining back your composure with your Filipino customs' analysis write-up.
i think all those you've mentioned indeed are true-la-la-la.
fan-a-text
wahihihihihi...kaaliw!
wala bang BKBN Award? hehehe
Post a Comment