An Indian co-worker of mine proudly showed me his I-phone and said something like “I’m crazy like you guys”. Say what? He rambled on some explanation na ang dulong linya eh “I’m also crazy with electronic gadgets just like you Filipinos”. “Not all” I blurted. Kasi ang alam ko hindi ako gastador sa mga gadgets tulad ng sinasabi nya. I tried to disprove him by showing my two celphones – one Nokia 3120 classic na tatlong taon ko na yatang ginagamit and the much older one na hindi ko na alam kung anong model, phased out na yata. .
But my Indian friend didn’t believe me sabay hatak ng aking drawer. Sa pangalawang hatak, he found what he’s looking for. “This. I’ve seen you use this many times”. Tinuturo ang malaking ebidensya ng aking pagkukunwari at pagbabalatkayo. Ang aking i-pod touch. Damn, he’s rignt, I’m just like any other Pinoys na mahilig sa gadgets.
.
Come to think of it: aminin man natin o hindi, magkunwari man tayo (like what I did), yan na ang reputasyon nating mga Pinoy lalo dito sa Middle East. We are seen as big spenders. Coz we’re known to splurge on things na kayang bilhin ng dolyares na kinikita natin dito. Not only in electronic gadgets but including all other luxury goods like perfumes (ouch), branded clothes, branded watches (ouch ulit) and anything expensive. Kilala tayo being big spenders. Period.
.
Sige nga, pumasok ka ng mall at malayo ka pa lang maririnig mo ang isang itik na ke itim-itim pero tinatawag ka “Kabayan dito mura”. O kaya isang katutubong tinderong bibira ng “Suki halika”. Aba ang mga pangit, kabayan ko na, naging suki pa ako??? .
Ali Mall. Kadiwa. Manila Shopping Center. Kabayan. Fairmart. Cash and Carry. Wala ka sa Pinas. Nasa Jubail ka lang where a lot of establishments are brandishing claim to Pinoy consumerism. They chose to identify their shops with the Pinoy buyers coz they know that tapping into the Pinoy clientele is all they need for their business to survive. Why?
.
Tingnan mo ang mga itik paglabas ng grocery, kadalasan isang plastic bag na sibuyas o kamatis lang ang dala. Pero si kabayan tingnan mo, kung mag-grocery akala mo’y nagiimbak ng pagkain dahil may darating na delubyo.
.
Pagdating sa ginto, talo ang mga businessmen sa ibang lahi. Coz some of them, bawal mag-suot ng ginto ang mga lalake. Eh ang Pinoy pag namili, hindi lang para sa misis o sa sister o sa anak na dalaga. Pati sya mismo may malaking gold ring or a scandalously huge necklace. Kahit nga ang mga kabayan nating nasa kategoryang manual labor na hindi naman kalakihan ang kita, hindi patatalo when it comes to bling. Minsan mas malaki pa ang nakasabit na Damascus sa leeg nila pinag-mukhang sinulid ang suot mo!
.
Pumunta ka ng mga celphone shops at makikita mo ang mga kabayan natin. Parang nagpa-panic buying ng mga latest model ng celphone. Punta ka ng Jarir. Most likely kukulangin ang mga daliri mo kung magbibilang ka ng mga Pinoy na bumibili ng laptop at kung ano-anong computer accessories. Punta ka ng Sony. Wag ka lang mainggit sa mga kabayan nating nagpapalakihan ng buhat-buhat na Bravia. Now try to make a virtual survey. Hindi mo na kailangan ng magaling na statistician to see who buys the most.
.
Let’s say merong 10 Pinoy sa isang mall versus 40 of other nationalities. The 10 Pinoys will most likely spend more, if not equal to, than what the 40 other guys did. Hindi dahil sa mas malalaki ang sahod natin at mas maliliit ang sweldo ng ibang lahi. In fact most of them mas mataas pa ang pay scale sa atin. But the amount of what Pinoys are spending is what matters. Hindi pakikinabangan ng mga businessmen ang makakapal na dolyares ng ibang lahi dahil nakatali ito sa mga pundiyo nila.
.
Ok, so gastador nga tayo. It’s a given. Do we have any excuse for that? I can think of only one reason. Pero matindi. Here goes… In a place na limitado ang paraan para mabawasan o mawala ang homesickness, ang pagbili ng mga gamit, ke importante o hindi, ang nagsisilbing therapy natin. The pleasure a new celphone brings, be it momentary and fleeting, eh nakakabawas na rin sa pagkaburyong. Spending a few Riyals (or dollars) is worth it if it can make you cling on to your sanity which, otherwise, would have escaped you.
.
Kaya siguro mas cheerful tayong mga kabayan. We have less baggage kaya hindi tayo kasing-bayolente ng iba. Or kasing-grumpy, gloomy and grouchy like the other nationalities na mahirap pakisamahan lalo na kung katrabaho mo.
.
O, justified naman di ba. Pero kahit nag-justify ako, hindi ko naman sinasabing sige lang, tuloy-tuloy na. Siguro dapat mag-isip din tayo. Dahil sa totoo lang, tayo rin ang talo. Oo nga at nakakabili tayo ng mga luho na nagpapasaya sa atin paminsan-misan. Pero may malaking epekto ito sa atin. The more we spend indiscriminately, lalo lang nating pinapahaba ang sentensya natin dito sa Saudi (or any place else). Kasi, instead na natutupad natin yong mga original plans natin nong papunta pa lang tayo dito, we are covertly sidelined without us knowing it.
.
Nagpunta tayo dito dahil gusto lang nating a: mapagtapos ng college ang mga anak, b: makapag-pagawa ng bahay, c: makaipon ng puhunan para sa negosyo. Three very common goals ng mga nag-aabroad. Pero yang goals na yan ay napakahirap abutin. Sometimes it takes 10 years of being OFW samantalang 5 years lang ang Engineering ng anak. Bakit? Kasi hindi na-maximize ang kita. Napunta sa kung saan-saan. Partly into these unnecessary expenses.
.
In short, we have to exert some effort para mapakinabangan natin ng maayos ang perang pinaghihirapan natin sa abroad. Never mind the reputation. Afterall, flattering naman na tawagin tayong gastador. Coz it means we have the money to burn. Pero ang masakit, uuwi tayo ng Pinas na wala tayong naipon. And that, my friends, is one pathetic story na madalas nating nakikita sa mga ex-OFW. It wouldn’t be bad to learn from their stories.
.
Kaya ako…. iwas na muna ako sa Jarir, Ikea at kung saan-saan pa. I’ll also try to minimize my visits to Applebees, Sizzlers and other pricey places. Tama na muna itong mga Jurassic model kong celphone as long as nakakatawag at nakaka-text pa ako. And finally, I’ll put a stop to my laptop buying frenzy..... fingers crossed! Hahahaha!
5 comments:
superbly true kabayan.........he he he he he......
thank you!
Hehehe... Tara bili tayo IPhone merong bundle sa mobily balita ko open line na kaya pwede gamitin sa STC... :D
Hi,
thanks for your really nice article.
Dear DS,
I really like this, very well said, I realized and learned a lot from this post, 'hope u keep on writing these very informative, funny and witty posts. This is One of your best yet! Thank you so much!
your fan
Post a Comment