Sunday, February 14, 2010

balemtayms

Pag tinanong ka ngayon at kailangan kang sumagot ora mismo, alam mo ba ang isasagot mo sa tanong na “bakit tayo nagsi-celebrate ng Valentine’s Day?”.

I’m sure you’ll give an answer na tulad din ng sagot ko. Eh kasi araw ng pagmamahal. Araw ng mga puso. Valentine’s day kasi. Pero sa totoo lang, ano ang relasyon ng Valentine sa puso? Kahit anong baliktad ng spelling ng Valentine, wala kang mapo-form na heart. Puso. Kahit puso ng saging.

Kasi, sa totoo lang, wala talagang konesyon ang Valentine sa puso, pagmamahal, pagdi-date, red roses, chocolates and gifts, lalo sa Sogo o Victoria Court! If you will read on the background of this celebration, ni walang makapagsabi kung saan nanggaling itong okasyon na ito. Sino ang nagpasimuno. Bakit.

Doon muna tayo sa sabi ng marami. Sabi kasi nila, this is to celebrate the life and martyrdom of St. Valentine. Ah, religious naman pala ang origin. Pero teka, sino ba si St. Valentine? Santo ba talaga sya? Bakit wala akong nakikitang rebulto nya sa simbahan. O sa mga istampita. At least si Santa Claus (na lalaki pero Santa huh) kinagisnan na natin ang itsura. Pero etong si St. Valentine, bakit walang mukha. Bakit puro pusong pula ang mukha ng Valentine’s day?

Sa dami na naman ng tanong na nag-pop sa utak kong walang magawa, I googled the name and read a few sites para malinawan. Pero parang wala kahit isang makasagot – in all clarity and conviction – kung saan talaga nanggaling ang selebrasyon na ito. Sa halip na malinawan, nadagdagan pa ang tanong sa utak ko. Like.. bakit sa isang Santo nakapangalan ang araw na ito eh intimate love ang subject. May santo bang nagkaroon ng isang sexual na relasyon sa isang babae? Di hindi sana sya santo. Ah ewan.

According to online sources, ang isang probability daw na pinang-galingan nitong araw na ito ay si St. Valentine who was martyred during the time of Emperor Claudius (of Rome). Pero probability lang yon. May dalawa pa raw Valentine na naging Saint din. Pero wala ni isa sa kanila ang may matibay na istorya para maging basehan ng selebrasyon na ito.

So, ano? Gawa-gawa lang pala ito ng kung sino. May isang istorya akong nabasa na noong unang panahon daw, isang babae sa Britain ang nagpasimuno ng pag-gagawa ng card na may mga puso at messages of love. Nag-klik. Bumenta. Sumikat yong idea. Ginaya ng iba. Kumalat. Hanggang ayan, may Valentine’s Day na tayong sini-selebra ngayon.

So, ano ulit? Eh di nagsi-celebrate tayo ng isang okasyong walang naman talaga. Gumawa lang tayo ng dahilan, isang araw para sabihing sige, bumili ka ng mga red roses, chocolates, cards at kung ano-anong regalo para sa iyong minamahal. Basta gumastos ka. Tutal Valentine’s day. Dapat ipakita mo sa minamahal mo ang iyong love by buying him/her material things. Eh di lumalabas very highly commercial itong araw na ito? Walang pinag-iba sa Pasko di ba?

So ano pa rin? Ewan. Sa mga hopeless romantics, sige lang. Mag-celebrate kayo. Nobody’s stopping you to do so. Pero sa mga medyo gustong mag-isip, magpaka-lalim at ayaw mag-celebrate, di huwag. Wala ring pipigil sa inyo. At least, may idea na kayo ngayon kung anong isasagot nyo pag tinanong kayo about Valentine’s day. And at least, may reason ka nang hindi mag-celebrate kahit sa totoo lang hindi ka nagpapakalalim. Nagkukuripot lang!

1 comment:

Anonymous said...

Dear DS,

Happy Valentine's Day! i miss your blog!

your fan