Friday, September 25, 2009

soxie's best

There are films that do nothing but entertain you. Some will make you laugh. Some was made simply to make you cry. And there are some that can make you do both – laugh and cry – and still get entertained. Madalang yan sa pelikulang Pinoy. Fortunately, Ded Na Si Lolo is one.

Unahin natin yong nakakatawa. Totoo pala yong mga nababasa ko na nakakatawa itong movie na ito. Kung may nakakarinig lang sa akin, iisipin na ang OA ko namang tumawa. Eh wala akong magawa, talagang napahalakhak ako sa ilang eksena. Eto kasi yong kind of comedy na hindi pilit, hindi slapstick at lalong hindi toilet humor na madalas sa pelikulang Tagalog.

The comedy comes from situations na dinevelop ni Soxie (Topacio, the Writer/Director) base sa mga totoong nangyayari sa isang pamilya pag may namatay. From the himatayan blues ng mga OA na Ate, Tiya at minsan may mga Kuya rin, to the numerous beliefs na ino-observe natin sa ganoong okasyon.
.
And if Soxie was so clever in mounting those funny scenes, it was his fine ensemble of actors and actresses na inin-terpret yon on screen with so much reality. Pero mamaya ko na isa-isahin ang cast. I’ve still got a lot about the whole film.

Drama rin yong film, something na hindi ko nabasa dati. Puro nakakatawa ang press release kaya akala ko comedy ito through and through. But the truth is, it has one serious story beneath the comedic surface. At kung may ilang scenes na humagalpak ako ng tawa, there were a few scenes also that melt me. Pagka ganon, I know it’s effective. Hindi kasi ako madaling paiyakin lalo na kung pelikula lang.

But this film was so successful in presenting conflicts within the family. Mga tampuhan, samaan ng loob, away at mga komprontasyon na madalas nagsu-surface kapag nasa ganong sitwasyon. At dahil nga totoong istorya ng mga Pinoy, nakaka-relate ako dahil sa mga kadramahan na nakikita ko sa mga burol/libing. Naalala ko tuloy yong hysterical at OA na tiyahin ko nong nakaburol ang Tatay ko.

Eniweys, ang nakakabilib pa sa film na ito ni Soxie, patatawanin ka sa isang eksena but right there and then, ilang seconds lang at ilang linya lang ng mga karakter, before you know it, naiiyak ka na. It simply stretches your emotions from one end to the other. But it was one roller-coaster ride na hindi pwedeng hindi ka sasakay. Kaya ko nasabing effective yong film.

But beyond the emotions, it also has something for you to ponder. That is, if you’re sensible enough to use the scenes as a springboard para mag-isip at kuwestiyonin ang mga bagay na pinaniwalaan nating mga Pinoy. Lalo yong mga sabi nila.

Sabi kasi nila, bawal magsuot ng pula pag may patay. Sabi nila, bawal maligo. Sabi nila, bawal ding maglinis ng bahay. Sabi rin nila, bawal ang pagkaing may sabaw sa lamay. Sabi rin nila, kailangang ilaktaw ang mga bata sa kabaong ng iliibing para hindi dalawin ng namatay. Sabi nila. Sabi nila. Pero, sinong sila?, sabi nga ng karakter ni Roderick.

The film maybe hilarious but it gives us the real picture na marami tayong paniniwalang basta na lang natin pinaniwalaan. Mga pamahiin at sabi-sabi na ewan kung sino ang umimbento pero wala namang nagagawang mabuti sa atin. And Soxie, with this film, is challenging us to rethink those beliefs.

But enough of Soxie. Because beyond the wonderful script, realistic story line and marvelous directing, malaking factor pa rin yong mga actors. Kung bano at walang kwenta yong mga gumanap, wala ring kwenta ang pelikula.
But if you’ve got Dick Israel, Elizabeth Oropesa, Gina Alajar, Roderick Paulate and Manilyn Reynes as your principal characters, you’ll never go wrong.

Elizabeth is Dolores, the second of the brood at pinakamatandang babae sa magkakapatid, who has the most conflict with her father. Marami syang tampo sa tatay nyang namatay, damay ang kapatid nyang si Mameng. Pero sa burol na yon nasagot ang mga tanong nya at nalaman nya kung ano ang totoo sa likod ng kanyang mga tampo.

Gina is Mameng. Ang katampuhan ni Dolores. Dahil daw sya (Mameng) ang favorite ng tatay nila. Isa sa mga dramatic highlights ng pelikula ang confrontation scene ni Mameng at Dolores.
Roderick is Junie, ang pang-apat sa magkakapatid at junior pa mandin pero naging bading na showgirl. Tawa ako ng tawa ng dumating sya sa burol ng tatay nya na naka-red gown na backless pa mandin at halos kita na ang kuyukot. Sya yong kumu-kwestiyon sa mga pamahiin na nagkalat sa buong istorya.

Manilyn is Charing, the bunso among the 5 siblings na mabunganga at palengkera. Pero lumalabas na sya pa ang peace maker sa magkakapatid.

And Dick is the eldest. Nong una akala ko walang istorya si Kuya. Pero sya pala ang may hawak ng isang lihim na matagal nyang tinago at doon lang sa burol sinabi sa mga kapatid. Ano yong lihim? I’m not giving it away. Panoorin nyo na lang yong pelikula.

And oh, before I forget. Bakit Ded Na Si Lolo ang title at hindi Ded Na Si Tatay? Coz in the end, the story was told from the point of view noong bunsong anak ni Charing. At 9 years old, sya ang may pinakamagandang habilin sa lolo nya bago ipinasok ang kabaong sa nitso. Again, something na dapat nating pag-isipan at ma-realize na totoo. Ano yon? Hindi ko rin sasabihin. Bahala kayong manood.

It's Soxie's best work and I think it's gonna be difficult to top it. But I hope he still have a few tricks left in his bag and 40 Days Na Ni Lolo will be just as good.
.

(with thanks to Miss Jones na nagbigay sa akin nong film).

No comments: