Bagyong Ondoy tumangay ng maraming buhay. Bagyong Ondoy nanalasa. State of Calamity dahil sa bagyong Ondoy. Yan ang mga headline sa radio at tv ngayon.
Wow. Sobrang sikat ng apelyido ko huh. Thanks to PAGASA na ewan ko kung bakit sa kina-unique-unique ng apelyido ko eh sya pang nakalkal at pinangalan sa super typhoon na tumama sa Pinas. At ewan ko sa PAGASA na yan kung bakit ako ang napapagdiskitahan. Dante (international code: Kujira) yong bagyong tumama sa Bikol last May di ba. Eto ngayon at apelyido ko naman ang dinale.
Ondoy (international code: Ketsana) ang humagupit sa bansa kahapon at nilubog ang malaking parte ng NCR. Binuhos daw ang isang buwan na ulan in just 6 hours. 9 agad ang namatay sa initial reports pa lang. 23 provinces agad ang nasa state of calamity. Grabe.
Nagpapagupit ako kahapon at yan ang kwentuhan ng mga barbero at mga tambay. Yong isang tambay kausap ang misis sa cp at kinuwento agad na si Christine Reyes daw nasa bubong ng bahay. Eto namang gumugupit sa akin, taga-Pampanga pala at may landslide daw sa kanila. Hindi ako nakihalo sa kwentuhan. Baka pag nalaman pang kapangalan ko yong bagyo magupit pa ang tenga ko ng hindi oras!
As early as Thursday night, friends were texting me na at jino-jowk nga ako dahil sa bagyo. May isang friend pa ako sa Pinas na hindi nagparamdam for the longest time pero heto at tinext ako just because of the bagyo. Lahat ng makita kong friends at kakilala yon ang bati sa akin. Malupet daw ako. Bagyo daw talaga ako. Oo naman sabi ko. Bagyo na yummy pa. Hehehe….
I was just kidding along. Nakikitawa at nakikibiro. Wala kasi akong paki dahil malayo sa Mindoro ang sentro ng bagyo. At least hindi mangangatog sa takot si Madir. At ka-text ko ang pamangkin ko sa Laguna hindi naman daw pinapasok ng tubig baha ang bahay ko. Kaya sige, jowk, jowk, jowk.
Pero nong makita ko yong pics ng baha, nawala yong pakiki-jowk ko. Reality bulldozed whatever apathy I had. Ang dami na namang bahay at buhay na nasira. Kawawa naman ang mga kabayan ko. Marami sa kanila, hirap na hirap na ngang magkaron ng bahay at kotse, nilamon pa ng tubig na walang kaabog-abog. Kakaawa ang mga nagkumahog magpundar ng kabuhayan tapos mawawala lang ng ganon.
And I’m sad na nagkaron ng ibang connotation ngayon ang pangalan ko. Pag nakilala ako, sasabihin agad ‘ah ikaw yong sumira sa bahay ko’… etong sa yo… POK! Nasapak ako ng hindi oras! Hayyy…
Paging PAGASA… pwede wag nyo na isunod ang middle name ko? Tama na yong kasikatan ko. Buti nga kung fame eh notoriety ang inani ko. I will now be remembered by friends as the one whose name brought destruction to many lives. Parang devil incarnate naman ako nyan samantalang napakabait kong tao. Tanong nyo pa sa mga kaibigan ko.
Kaya sa PAGASA, etong suggestion ko: siguradong next na bagyo P ang ipapangalan nyo, I have quite a few choices for you: Paoul, Pedgar, Payren or Park ang gamitin nyo. Kahit alin dyan is a very good choice.
1 comment:
dahil sa bagyong malupet, napa-text bigla si jay sa 'yo. lol!
Post a Comment