Wednesday, August 12, 2009

vulgar and excessive

you should notice by now na isa sa mga hilig ko is to dine out. ke with my family pag nagbabakasyon ako or with friends dito sa jubail at nakakarating pa kami ng khobar. in our situation, it's nothing short of a guilty pleasure - something na parang big deal na na nagagawa namin - given the social, cultural and religious restrictions that we are combatting in this place. eto lang ang ilan sa mga very few things na pwede naming gawin para maka-relax at makalimot sa mga problema at pressures ng trabaho.

the thing is, ang pinang-babayad namin sa aming dinner, ke simpleng burger and fries hanggang sa medyo mamahaling steak platter, pinag-pawisan at pinag-hirapan namin.

sadly, we can't say for certain na ang ginastos ng mga magagaling nating politician sa new york ay galing nga sa sarili nilang bulsa. yes, this posting is all about the overly extravagant dinner ng party ni arroyo sa new york na binisto ng new york times at ngayon ay pinaka-malaking issue sa pinas.

marami ang umaalma dahil sa dinner na ito. at hindi ako magpapa-huli. makiki-sama ako sa pag-condemn ng kawalan ng sensitivity ng mga magagaling na pulitikong ito na naglustay ng isang milyong piso para lamang sa isang hapunan.

nagagalit ako dahil sa dami ng nagugutom sa pinas, ayan sila at nagwawaldas ng malaking halaga para lamang sa mga sarili nilang tyan. i'm mad because what they did made us look like a bunch of fools once again in the eyes of the international community. nagmukha na naman tayong mga low-class social climbers. naghihikahos na bansa pero nagkukunwaring sosyal pagdating sa new york.

nagagalit ako dahil pupunta ang isang batalyong pulitiko natin sa amerika para mangutang ng bilyones na babayaran ni juan dela cruz and yet gagastos sila ng ganon.

hanggang kailan aabusuhin ng gobyernong ito ang bayan ni juan?


No comments: