Saturday, August 8, 2009

hotnothot 13

Hotnot: The NCCA awards at the center of protests. Mukhang hindi na limited to acting awards ng kung ano-anong award-giving bodies ang pino-protesta ngayon. Pati ang pagpili sa National Artists na dati ay sobrang prestigious, pino-protesta na. Kinukwestyon ang pagkaka-panalo ni Cecil Guidote-Alvarez. Oo nga naman. It’s not that her contribution to the performing arts is questionable. Alam natin kung paano binuhos ni Ms Alvarez ang buhay nya sa entablado. But the point is, she’s currently holding the office of the government agency which is responsible for these awards. Walang credibility kung ang award ay ibibigay sa mismong namimigay nito. I’m sure they know what delicadeza means. Why can’t these people wait na maka-baba sya sa pwesto saka ibigay ang award. In that way, mas credible.
.
Carlo Caparas is another awardee na pino-protesta. Ang argument, mas maraming deserving bago pa si Carlo, one of them is Mars Ravelo. Agree din ako dyan. Parang mas legendary si Mang Mars compared to Carlo. However, hindi yan ang main argument ko. Ang punto ko is, bakit hanggang sa pamimigay ng awards napo-protesta ang gobyerno natin ngayon. Sadya bang marami ng sour losers, pikon, inggetero o mga pasaway na walang ginawa kungdi mag-protesta ng mag-protesta just for the sake of maka-protesta lang? Or is it because of the fact na sobrang sadsad na ang credibility ng gobyernong ito at pati ganito kasimpleng award kung saan dapat they have the full authority ay hindi na paniwalaan and worse, kinukwestyon pa at pino-protesta? Your choice.
.
Hotnot: Ang kadalasan pagka-OA natin pag may namatay. Lalo na pag celebrity ang nawala. Di ba nong mamatay si Francis M some people boasted of sponsoring him as nominee for the National Artist Award. O nasaan na ang magagaling? Kahit mga Amerikano, nong mamatay si Michael Jackson, gagawin daw si Jacko na National Treasure. Of course we all know by now kung ano ang naging reaction ng American Congress. At eto ngayon, may mga kung ano-anong press release na gagawin daw for Tita Cory. Porke gagawin daw syang National Hero, Santo at kung anik-anik pa. May nagsasabing papalitan na raw ng pangalan ang EDSA at gagawin nang Cory Aquino Avenue. Bakit hindi natin ginawa yan nong buhay pa si Tita Cory? Di sana nadaanan pa nya ang kalsadang yan na ubod ng traffic? Bakit hindi sya ginawang National Hero noong buhay pa para sya mismo ang tumanggap ng medal, plaque or whatever? We should stop these posthumous awards. It’s vicious. Hindi na nakikita at nararamdaman ng may-ari ang dapat nyang maramdaman. Kung talagang gusto nating gawin, gawin natin ng buhay pa yong tao. Why wait until he/she dies? Ganon ba ka-expensive ang karangalan na yan para pag-bayaran nya ng kanyang buhay?
.
At gagawin syang Saint? Ewan. Huwag mong i-vilify ang paghanga ko at respeto kay Tita Cory. Ang sinasabi ko lang, pwede bang pag-isipan muna ninyong mabuti ang mga sinasabi nyo bago kayo mag-salita? Lumalabas tuloy kayong parang mga palaka. Kumo-kokak dahil umuulan. President Cory’s legacy is characterized by her purity of soul and intentions. Huwag nyong gamitin para sa inyong mga vested interests. Makapag-yabang lang at maka-kuha ng 15-minute of fame, gagamitin pa si Tita Cory. At eto pa, dapat daw tumakbo si Kris sa 2010 elections! For what? Senator? Dahil lang napa-iyak nya ang buong Pilipinas with her heartfelt eulogy? Please naman, mga kabayan, matuto naman tayong mag-hiwalay ng puso natin sa mga bagay na dapat ginagamitan ng isip. Kaya nawiwindang ang bayan natin eh.
.
Hotnot: Jamby Madrigal using Tita Cory’s wake as campaign ground. Sabi sa Philstar, namigay daw ng bracelets itong tita ni AiAi sa wake ni President Cory. Ang masasabi ko lang, ang kapal naman. Ito ang mga taong civilized naturingan pero Neanderthal pa rin ang takbo ng utak. Wake po yon, burol, lamay, pagdadalamhati. At para mangampanya ka sa ganoong lugar, it’s either you don’t have the respect doon sa namatay or you simply don’t know what is respect. Either way, dapat mag-sama kayo ng Willie Revillame na yan. Besides, ano ba ang pumasok sa kukote ng taong ito that gave her the idea na pwede syang maging presidente ng Pilipinas? She must be ill-advised. Unang sabak nga nya sa Senatorial race noon lumalagabog na semplang ang inabot nya. And she won only when she got the support and machinations of the incumbent government. Tapos ngayon at nakapag-drama na sya ng ilang eksena sa Senate, nag-ambisyon na ng todo? Will somebody tell this lady to take off her shoes and smell her feet? Baka sakaling matauhan.

Hothot: Yong apat na honor guards ni President Cory. Saludo rin ako sa kanila for what they did. And now, instant celebrities sina PO2 Danilo Maalab (Police), Private First Class Antonio Cadiente (Army), Airman 2nd Class Gener Laguindan (Air Force) at Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez (Navy). Nakakatuwa na na-kuha nila ang attention ng mga tao despite the fact na wala silang ginawa kungdi tumayo. But the sacrifice that came with it, talagang igagalang mo ang mga uniformed men na ito. Magandang PR booster para sa apat na sangay ng ating mga officers. O wag nang mag-OA dito ha. Baka mamaya sulsulan nang mag-artista o mag-pulitiko ang ilan dyan. Hay naku!

No comments: