Taon-taon na lang yata, kapag parating na yong contract anniversary ko sa trabaho, I’m always thinking of packing my bags and catch the earliest flight out. Yong tipong ayaw ko na and this is the best time to call it quits. Parang pini-pressure ko yong sarili ko na sige na, make it happen now. Afterall, ang tagal mo na yang pinag-pa-planuhan.
And that season is here again dahil early next month, 7th year ko na. At kung gagawa man ako ng desisyon, it’s gotta be within these days. Any day later will mean I’d have to stick it out for another year. At dahil tipong hindi ko pa rin magawang mag-alsa balutan like what I’ve been dreaming of doing for the longest time, babagsak na naman ako sa simangot, walang gana at super tamad mode.
Nandon na naman ako sa panahon na walang magawa ang dalawang alarm clock sa umaga. Pahirapan bumangon, hihilahin lahat ng parte ng katawan para makaalis sa kama. Maliligo, magbibihis, bababa ng hagdan – all in a zombie-like movement. No sense of urgency, no eagerness, simply no zest.
Madalas, nakasinghal na naman ako sa mga makukulit na Indyano o katutubo sa trabaho. I’m no different from a firecracker with a very short fuse. Konting kanti, sasabog. Ito rin yong mga araw na hindi ako camera friendly dahil mahirap akong patawanin, daig ko pa ang naka-botox. Ito yong mga araw na pwede akong pumalit kay Oscar the Grouch habang kumakanta ng Sick and Tired ni Anastacia.
Nandyan na naman yong aking bmw (bitching, moaning and whining for those who have’nt read my previous posts). Up to the point na maglilinya na naman ako sa ilang malalapit na kaibigan na gusto ko nang umuwi ng Pinas. Pagod na ako. Tinatamad na ako sa buhay dito. I think most of them have grown tired of it all by now and never take it seriously anymore. Yong iba siguro tinatawanan na lang ako sa mga pinag-sasabi ko.
Sa mga ganitong araw, panay-panay na ang kwenta ko ng kakaunti kong savings. Na para bang everytime na kukwentahin ko sya eh may makikita akong significant interest samantalang mabagal pa sa kuhol ang pag-tubo ng interes na binibigay ng RCBC at PNB sa dollar accounts ko.
Kwenta rin ako ng kwenta ng mga susuwelduhin, kasama ang mga benefits na makukuha ko kung aalis na ako. Na parang everytime kong kukuwentahin eh may madi-discover pa akong detalyeng nakaligtaan ko at lalaki pa ang nakikita kong numero. Samantalang ilang beses ko nang kinulit si Tserman sa HR namin about those benefits.
Sabi siguro ni Tserman pag nagtatanong ako ‘hay naku, heto na naman po kami’. Pero syempre hindi nya masabi yon sa akin dahil mabait syang kaibigan. At yong mga nakarinig ng BMW ko, they must be laughing hard by now coz here I am, months and years later, and never have I moved an inch. Hindi naka-alis at nagmukha lang engot sa mga pag-eemote na ginawa.
Naisip ko lang, kung tinuloy ko kaya ang paglayas last year or even the year before, ano kaya ang nangyari sa akin ngayon. Para siguro akong dinaanan ng twister nong nangyaring economic crisis na hanggang ngayon ay hindi pa fully recovered and ibang bansa. Maraming nawalan ng kabuhayan. I could have easily be one of them. Buti sana kung may food stamps sa atin, grocery stamps at kung ano-anong charitable assistance na ginagawa ng gobyerno sa mga westerners. Sa atin, buntot mo hila mo. Sikmura mo, bahala ka.
Ang masakit pa nito, kung nawalan na ako ng pera at wala na akong makain, mag-aaplay ulit ako ng trabaho. Pero dahil sa economic crisis, may isang trabahong available pero ang kasabay kong applicants, tatlong libo. Isang libo doon ay mga fresh graduates, the other thousand ay mga ex-abroad din, karamihan galing USA and the last ay mga dating managers at executives ng malalaking kumpanya. Ang masakit, all 3,000 of them are willing to accept the job kahit halos barya na lang ang ino-offer ng sweldo. Krisis eh.
Tapos biglang nagkaron ng major event sa pamilya ko. Something na hindi lang emotionally taxing kungdi financially din. My heart bled and so did my bank account. Kung lumayas siguro ako sa trabaho noon, nagmamatira na ang kakaunti kong naiipon sa bangko. Worse, baka nage-email na ako sa mga kaibigan ko para mag-do the needful (sikat po ang phrase na yan sa mga Indiano na ina-adapt din ng mga Pinoy in jest). Something that would be very difficult to do for someone like me with an ego bigger than Faisaliyah Tower.
So saan ako pupulutin? Just the thought of it sends shivers down my spine.
Pasalamat na lang ako at malakas pa rin ang command ng utak ko kesa sa emotions ko. I was able to put some checks into what can be a potentially crippling decision na gustong-gusto ko nang gawin. And in the process, napatanuyan ko yong sinasabi nilang patience is a virtue. A virtue which I didn’t have and now I’m slowly letting it grow on me.
Sa ngayon, nandon pa rin yong kawalan ko ng eagerness sa araw-araw. But at least I’m managing to keep it under the surface. I’m trying to minimize the grouching, the touchiness, the sparks of temper. Nandyan naman ang mga adik at iba pang mga kaibigan para sa araw-araw na chikahan o mga spur of the moment na lakwatsa. I owe them a lot kasi malaking tulong yon para mawala ang pagkaburyong ko. I just have to wait. Afterall, madali lang ang isang taon. Pagdating non, saka ko na ulit pag-isipan kung anong gagawin ko. In the meantime, I’m keeping my spreadsheet updated.
No comments:
Post a Comment