Monday, January 18, 2010

eb vs megalomania

Let me start by saying that there’s no question about the supremacy of Eat Bulaga pagdating sa noontime shows. In its 30 years of airing, marami nang tumapat sa programang ito na wala din naming kinapuntahan kungdi amg mag-babu sa ere. May tumatagal minsan, some even have the boldness to claim number one pagdating sa ratings, pero sa totoo lang hindi man lang makahabol at maya-maya ay naglaho na rin to oblivion.

Part of EB’s success ay ang mga hosts. Wala ni isa sa kanilang nakaka-irita at mabigat ang dating. Vic has always been the charming and credible host kahit pa may reputasyon sya as a ladies’ man. Joey can be very frank sometimes pero you’ll still admire his wit and humor. Tito, who’s on and off sa program, maybe boring at times pero he lends credibility to the program dahil sa kanyang estado. At lahat ng mga co-hosts nila, wala kang maririnig na sumisigaw at nagbibihis na parang perya ang nilalabasang show. Walang OA para lang maka-generate ng pekeng excitement. Walang namimigay ng pera para lang masabihan ng ‘ang guwapo-guwapo moooo’. Somebody's megalomania isn't entertainment for me.

Malaking factor din ang paggawa nila ng mga program segment na klik sa viewers. Some of their contests even produced big names sa local entertainment scene (Aiza Seguerra just one example right on top of my head). At sa game shows, the production team really exerts effort to come up with authentic and novel ideas kaya hit sa masa. Hindi yong ginaya na nga lang sa Spin-a-Win pero may 2 at 0 pang numbers in just one slot! Talk about utter carelessness, irresponsibility and arrogance!

Biggest hit ng EB as of now ay ang Pinoy Henyo, a game show na talagang inaabangan ng manonood. Kahit sa mga office parties lalo na sa katatapos na Christmas season, ginagaya daw ito according to showbiz writers. Pero nauna na kami ng mga adiks kasi since last year ginagawa na namin ito anytime na meron kaming gathering.

Kung tutuusin, hindi bago yong idea na ginamit. It could easily be a spin-off of the charade game. Ang maganda lang, binago nila at nilagyan ng twist na talagang original. Ang resulta, an exciting game na talagang mage-enjoy ka at hindi pwedeng hindi ka makisali. I’m sure nakikisigaw ka rin tulad ko (minsan napapamura pa? hehehe) pag hindi makuha nong contestant yong sagot.

Again hoping to invent a new game na maghi-hit sa manonood, they introduced BaBaBoom. A very simple guessing game kung saan hahanapin mo, at iiwasan, ang mga kamay ng mga EB Babes na may coin. Sad to say, hindi ako natutuwa dito. Kulang sa excitement. Kulang sa thrill factor. Maybe because walang challenge sa kaalaman ng viewers. Unlike Pinoy Henyo na lalabas how sharp (or dull) ang isang contestant.


Ang alam ko rin, long before Ryan Agoncillo’s Talentadong Pinoy, naunang nag-introduce ang EB ng isang free-format talent search segment. Ito yong current na KSP (Kahit Sino Pwede) na iba ang title nong i-introduce nila. ABC5 adapted the idea (pwede rin from American and British version ng Got Talent), made it into one full program na nag-hit naman sa Pinoys. Na ginaya na rin ng ABS-CBN sa Showtime nila na nag-hit din at ngayon ay highest rater sa Channel 2, even surpassing Wowowalang kwenta na nalulunod sa sigaw ng kanilang studio audience at hindi sa popularity ng program nila.

Ang problema sa TP at Showtime, pag nagsawa na ang Pinoy viewers sa ganitong contest, wala na silang option kungdi patayin ang program. Same thing with johnny-come-lately na Pilipinas Got Talent na ilalabas daw ng Ch 2 soon kung kalian pa nag-peak ang ganitong klase ng palabas. Eh di by the time na sawa na ang viewers, tigok agad ang show. Whereas sa EB, it’s just one portion na pwedeng palitan agad ng ibang segment.

Ang problema lang sa EB, mukhang nahihirapang mag-isip ang creative team ng program lately.

They recycled a portion na ilang beses nang ginawa (at ginaya ng ibang program). Yong akting-aktingan na Gaya-Gaya Puto Maya. Although it gives the audience the chance na mag-participate, makita sa Tv na hindi lang dinaanan ng camera at manalo ng pamasahe pauwi or 10,000 pesos. For me, it’s one weak segment ng EB sa ngayon. They should come up with better and fresher idea instead of this one.

Ang isa pang hindi ako nage-enjoy ay yong Super Sereyna na pinasok nila sa KSP portion. Oo nga’t super hit noon ang contest nilang ito, it’s still a recycled material. Nilagyan lang nila ng twist dahil dati, limited to real gays, trannys and cross-dressers yong contest. Pero ngayon pwede na raw kahit anong gender. Sino namang babae ang magkukunwaring babae para sumali dito? Eh di syempre puro bading din ang magdo-dominate nong contest. At dahil open daw to all genders, pwede ang mga lalake. Is it a sign na sa panahong ito, kahit true-blue full-blooded man, ay magdadamit babae para lang kumita ng pera? Sabagay, mahirap talaga ang buhay.

I’m sure EB is just going through a phase. Maya-maya siguradong may ilalabas na naman silang segment na kawiwilihan ng mga viewers na walang magawa sa tanghali tulad ko. At siguradong may pauusuhin na naman silang bago na magiging part ng buhay at kultura ng masang Pinoy. Afterall, no other program has influenced the lives and culture of the masses for the past 30 years. Eat Bulaga lang. The rest? Trying hard losers! Yon lang!


1 comment:

Anonymous said...

I have interpret a only one of the articles on your website now, and I really like your fashionableness of blogging. I added it to my favorites web page file and disposition be checking assist soon. Divert check out of order my orientation as well and leave to me know what you think. Thanks.