Tuesday, November 17, 2009

pito-pito

Sabi ako ng sabi na hindi ako fan ni Pacquiao but everytime naman na in the spotlight sya heto at sulat naman ako ng sulat tungkol sa kanya. Well let me just say he’s hard to ignore. Kapag lahat ng dyaryo at tv show, mula sa showbiz hanggang sa dapat eh mainstream news, mukha nya ang makikita mo, kahit hindi ka nya kampon you would find it difficult ignoring this not-so-good-looking yet so-very-talented boxer.

Ayan nga at pati Time Asia nilagay na sya sa cover. And that is even before his utterly convincing win over Cotto. Parang Time themselves predicted na walang sinabi ang Puerto Rican pug sa ating pambansang kamao. Otherwise they could have damaged their prestige kung a few weeks after the cover eh nilampaso sya ni Cotto sa ring.

So what’s my take on this 7th crown across 7 divisions na wala pang nakagawa kahit sino?

To call him The Greatest Boxer of All Time, as I read in some papers, sounds an overkill sa una pero justifiable naman in the end. Coz the greatest boxers we’ve known so far – Muhammad Ali – the most recognizable sa tulad kong hindi boxing fan, won only in his weight division (yon ang alam ko huh… boxing aficionados, pls confirm). Hindi katulad ni MP na 7 division ang kinopo. Kaya pwede na ngang ikabit ang ‘Greatest’ sa kanya for now. At siguro matatagalan pa bago may makagawa ng same record na ginawa nya.

Although napangiwi ako nong may makita akong streamer that says Pacquiao for President. I hope you’re not serious guys. Hindi naman porke pwede nang tawaging Greatest Boxer yong tao, pwede na syang magpatakbo ng isang bansa. Lalo na ang Pinas na sadlak na sadlak na sa kahirapan at corruption. Iba syempre ang pagtayo sa lona kesa sa pag-tayo sa podium na may sealion emblem.

Sana makinig na lang sya sa payo ni Atienza (na sabi nya kino-consider nyang tatay-tatayan) at wag na syang tumakbo in any political post. I-maximize na lang nya ang opportunities habang nasa prime pa sya ng kanyang career. Kung pwede kalabanin muna nya ang mayabang na si Mayweather. Ipakita nyang mas mayabang sya sa pangit na yon at nang matanggal ang bad weather sa katawan.

Coz sana, dahil paulit-ulit na lang nangyayari, pumasok na sa kukote nya ang epekto nya sa Pinas. Zero crime rate. Walang traffic lalo sa Edsa pag may laban sya. Even the rebels stopped their kidnapping activities. All these he can do kung ipagpapatuloy nya ang pagbo-boxing. But if he switched to politics, anong magiging national impact nya? Titigil ba ang mga Pinoy para panoorin syang mag-speech sa Congress?

Kung serbisyo publiko ang purpose nya, mas maraming paraan. Foundations is one. Mas maraming makikinabang. Tutal hindi naman nya kailangan ang government funding para makapag-tayo ng mga ganito. Hindi rin kailangan na sa sarili nyang bulsa manggaling. Pwede syang mag-solicit sa mga celebrities na fan nya. Hindi sa Pinas huh. Sa Hollywood. Anong ginagawa nila Will Smith, Denzel Washington, Mickey Rourke and now, even Paris Hilton. Pati nga si Bill Clinton di ba. Hingan nya ng donations.

Ipagpatuloy na lang nya yong showbiz career nya. Tutal marami pang natutuwa sa pagkanta-kanta nya dahil sikat pa sya. Kahit nga Al-Jazeera news yon ang pinakita. Obviously naaliw sila sa boksingerong di lang left hook ang kayang pakawalan. Pati sintunadong Sometimes when We Touch. On a global tv pa yon huh! Nag-iisa lang talaga sya!

Stick with GMA-7 para consistent sa 7 wins nya. Pero wag na wag syang lilipat ng Dos at baka magkatotoong dalawa ang bebot nya like what the rumors are saying. Dati si Ara Mina. Ngayon nadagdag pa raw ang Krista Ranillo. Lupet talaga ni Pacman. Pero sa totoo lang, malas yan Manny Boy.

Isipin mo lang na para ka ngayong fresh pupu na ang dami-daming bangaw na naa-attract. Bilyones na kasi ang dolyares mo. Bakit, nong unknown ka pa, kilala ka ba ng mga hindurupot na yan? Lalo ang mga girls na obviously ay naghahanap lang ng sponsors ng mga kaluhuan like expensive bags and signature shoes? Gusto lang makapag-suot ng mga designer clothes na sinusuot ni Jinkee. Pati ang mga naglalakihang diamonds ni Mommy Dionisia na sa dami ng alahas parang naluma si Anabelle Rama huh!

Look back to where you are 5, 10 years ago. Saka mo tingnan kung sino ang nasa paligid mo noon at naniwala sa iyo minus your billions of dollars. Then you would realize kung sino talaga ang mga taong may malaking importansya sa buhay mo. You should realize na sa Tv station lang dapat ang loyalty mo. Sa totoong buhay, wag sundin ang kaPuso... importante pa rin ang kaPamilya!

Ay, bakit ba ako nakikialam. The guy has so much money, power and fame kayang-kaya na nyang gawin ang lahat ng gusto nya. With his dizzying celebrity status, hindi ko sya masisi kung mag-umpisa na syang magkida-kida (Arabic slang po yan ng mga kalokohang activities). He has worked so hard, even risked his life all the time na may laban sya. He deserves to do whatever pleases him now. Yon nga lang, he should do that without hurting the people he loves most.

Besides, yang mga rumors tungkol sa extra-marital affairs na yan only add to his machismo. Dagdag pogi points dahil pinapatunayan nyang hindi lang sya pang-sports, pang-lover boy pa! Kaya ang mga Kuya, Manong, Tiyo, Tatay and even Lolo na samba sa kanya, lalong dumadami. At marami ring gusto syang gayahin. Except sa mga kabataan na mas gusto sumali sa StarStruck!

Whatever happens, Pacman’s legacy is here to stay. Bahagi na sya ng history ng Pinas as the first (and probably the only) boxer na nagkaroon ng ganiyang achievement. At sya rin lang ang boksingerong pinag-aksayahan kong i-blog. Dahil kahit pa anong sabihin, feeling proud din naman ako pag nananalo sya. Pinoy pa rin kasi ako kahit hindi ako boxing fan. Pero pag kumanta na sya, bahala na kayo!

No comments: