Wednesday, July 8, 2009

the public whoopla

it's almost 11pm and i'm typing this while the michael jackson memorial concert is on it's finale where michael's family and all the performers in that concert were gathered on stage singing one of his most meaningful songs - heal the world.
.
tatlong channel ang nagpalabas - MBC4 who pre-empted their regular programs while both Euronews and BBC sent their news programs on the sidelines to give way to the 2 1/2 hours show na ginawa sa staples center in los angeles.
.
siguradong milyones ang tumutok sa show all over the world. marami ang napuyat tulad ko para panoorin ang last concert where michael is supposed to be 'present'. pero sa milyones na nanood ng show, i could be one of the very few na parang ewan ang reaksyon.
.
i might be too jaded. or too cynic. or cold-hearted. pero wala akong naramdaman while watching that show. kahit ba naman hindi ako fan ni michael eh, sa mga eksenang ganyan na may patay at may iyakan, i easily get moved. but here, hindi ako maka-emote. instead, there were several moments na nairita pa ako.
.
si brooke shields, nag-emote muna ng ilang minuto sa stage, parang pinipilit umiyak, shaking her head (model ba sya ng head and shoulders?), pakurap-kurap ang mata (hmmm... nawala sa sentro ang contact lens?) saka nagsalita. hindi tuloy natural ang dating mga mga pinag-sasabi. artista ka nga brooke. but not a very good one coz you failed to move me.
.
yong kapatid namang si jermaine, kinanta yong favorite song ni michael. smile (though your heart is aching...). but because he's emotional kuno, hindi maayos ang kanta lalo na pag tumataas ang nota. ang nakakatawa, pag mataas yong note saka sya iiyak kuno! hehehe... it's either he's really weathering the pain o baka naman umaasa syang may makapansin na marunong din syang kumanta at makakuha ng record deal. duh.
.
usher was the worst. kunyari nag-breakdown at the end of the song (gone too soon) don sa parteng tipong sobbing into tears din si michael sa original recording. but usher was soooo fake dahil nong umiyak na kuno, saka tinanggal ang sunglass. for what? eh di para ma-focus ng camera yong tears nya! sarap hambalusin ng laptop! ay wag, sayang pala tong laptop ko kahit mumurahin!
.
at yong shaheen na finalist ng britain's got talent who's supposedly joining jacko in his london concerts, sinayang ang magandang exposure nya. mataas nga ang boses pero wala akong naintindihan. baka sa taas ng boses nya na-tone deaf ako o nilamon yong boses nya ng malakas na banda.
.
at hindi ko rin makalimutan yong black congresswoman who ranted on an on about how great michael was, binuhay pa ang mga closets na matagal ng nakatago by saying something like 'in the rule of law, one is innocent until proven otherwise' obviously referring to the sexual abuse cases filed against michael. to the last minute ba naman babanggitin pa ba yon. parang killing the moment naman si manang.
.
at syempre, lahat ng magsalita will have only good words for the dead. puro superlatives. lahat na yata ng praises ibubunton don sa tao. tipong inipon ang mga magagandang adjectives nong buhay pa si jacko saka biglang nilabas sa mga baul, may interes pang kasama.
.
but all of these fiascos pale in comparison to the biggest hoax of the whole show. it's michael's supposed 'presence'. o di ba kanina ko pa kinu-quote-unquote yang presence na yan. bakit kamo? dinala kuno ang casket sa loob ng staples center but it was never opened, with wreaths of flowers neatly placed on top. so ano ang binigyan ng tribute, an empty coffin? nasa loob ba si michael o wala? aba ewan, baka ayaw sumama sa staples!
.
kaya pala hindi um-attend ang dalawang closest friends nya. diana ross was nowhere to be seen and so is elizabeth taylor who even said ayaw daw nyang maging part ng public whoopla. oo nga naman. obviously she knew what's gonna happen in the show. it was just that - a show.
.
kawawa naman ang mga nagpakamatay para makapasok sa staples and even those who went to see kahit yong bubong ng staples. well, magdasal na lang kayo and hope michael will find peace kahit pa ginagawa pa ring show ang last few minutes nya dito sa mundo.
.

No comments: