Tuesday, April 14, 2009

read em and cackle

Dahil nga nasa Saudi ako, hindi na ako nagugulat pag nakakakita ako ng karatulang Shopping Center kahit sa totoo lang ay maliit lang sya na grocery na tulad ng mga sari-sari store sa atin. This is just a reminder na karamihan sa kanila ay linguistically challenged, idagdag mo pa ang mga Pana, Itik, Bangla, Masri at kung ano-anong lahi na mga partner o katiwala ng mga tindahang ito.

But still, there are some establishments whose signages made me smile. Yong iba medyo napapa-huh? pa ako. Here are a few of them. Kung taga-Jubail ka rin, I’m sure nakita mo na ang ilan dito.


FU Paints. Naku kung sino man ang nag-isip nito, siguradong hindi sya nagmumura!

Al-Fajr for Adjective Materials. Say what? Adjective materials daw. Naku nag-isip talaga ako. And the only thing I can gather is that base sa meaning ng word na adjective, baka naman ibig sabihin eh decorative materials. Hindi kaya?

Fahada Exhibition. Hmmm… tanong natin kay Chenelu at Chenelyn, siguradong matutuwa sila. Fahada! Hahahah! Ooopppsss… PG itong blog ko po!

Proud to Serve You Office For General Services. Well, your name is something you can not be proud of.

Al-Basri Grossary. Grossary. Grocery. Magkatunog naman eh, di pareho na rin yon! Hahahaha!!!

Sameer Electraniks. Eto ganon din. Seym-seym na rin kaya wag ka nang mag-apela.

East Pole Aircon. A touch of genius. Akalain mong maka-imbento ng ikatlong polar axis ng mundo. Aba, kahit sinong scientist at geographer, siguradong hindi alam na may East Pole pala huh.

Sleep High. Siguro durugista ang may-ari nito. Biro mo matutulog kang high!

Jubail Liquid Gas Marketing Head Center. Hindi pwedeng left, hindi pwedeng right. Basta center of the head daw. Saan ba yon? Ah, baka ilong… hahahhaaa!

Hay naku, nakaka-baliw. Kaya pag nandito ka, wag kang maniniwala sa mga nababasa mo. It’s like living in a la-la land tulad nong isang kakilala namin, di ba Miss Jones? Hehehehe.

No comments: