Friday, February 6, 2009

what crisis?

Eto na talaga, totohanan na. World economies are crashing like lego blocks. Sisinghap-singhap ang mga giant companies na dati eh mga powerful dragons breathing fire with their billions of net profit per year.

Ngayon, billions pa rin ang announcement nila pero losses na. Para na sila ngayong mga kuting na ni hindi maka-pangalmot. And the best they can afford is a barely audible ‘ngiyaw’ habang nanghihingi ng pera sa mga rescue packages ng kani-kaniyang gobyerno.

Pero matanong ko nga, sino ba talaga ang magsa-suffer sa crisis na ito? Sa Pilipinas, I think ganito ang magiging epekto nito, in degrees of severity.

Not affected at all: The billionaires of course. And there’s just a few of them in the Philippines. Pero kahit kakaunti, there are people sa atin na hindi mararamdaman ang krisis. Dahil bilyones na ang pera nila at kahit pa umabot ng sampung taon ang recession, hindi pa rin mauubos ang pera nila even if they don’t downgrade their lifestyle. They can afford to live forever in their palatial residences. They can still keep their battalions of slaves, er staff, fly around the world in their very own jets, and sunbathe naked in their luxury yachts. Walang epekto sa kanila ito.

Slightly affected: The millionaires. Dahil milyones pa lang ang pera nila and if the recession dragged on to an extended period, they will have to tone down their rather decadent lifestyle or run the risk of depleting their coffers. So bawas muna ng mga Ski trips in the Swiss Alps or mga bakasyon sa St Tropez. Palampasin muna ang winter/spring collection ni Prada. Or pass muna sa latest model na ilalabas ng Ferrari. At wala munang shopping sa Hermes or Balenciaga shops. Lalo yong mga celebrities whose definition of salvation includes an Armani suit for the men and a Louis Vuitton bag for the women. Times are hard, they have to step down for a while from their places in the constellation.

Really affected: The poor. Eto yong talagang mga poor. Those living below the poverty line including the D and E strata. Which means 90% of the Filipino population. Mga kawawang nilalang na kahit wala pang recession ay hindi na maka-afford ng isang disenteng pamumuhay. At karamihan ay mintis sa regular 3 meals a day.
.
Eh bakit really affected lang at hindi sila ang pinaka-worse? Kasi, marami sa kanila hindi naman kasama sa problema ng mass lay-off sa trabaho. A lot of them didn’t have jobs to begin with. Kaya ano’ng paki nila kung may mass lay-off.

At kahit mawalan sila ng trabaho, they know how to survive than anybody else. Kasi nga sanay na sila sa hirap. Pwede silang mag-lugaw para may makain. Pwede silang mag-tiis. They know how to deal with the storm better than the others. Kaya tatawanan ka lang nila pag sinabihan mo silang krisis. Their lives are one big crisis itself. There's nothing else left to worry them. Nakaka-survive sila ke krisis o hindi.

Worst affected: The middle class- particularly those in the lower level. Ito yong mga taong may trabaho, kumikita ng malaki at nakaka-afford ng mga luxuries sa buhay kahit hindi mga milyonaryo. Naka-condo kahit rented lang, may magarang kotse, usually in a coat and tie at parang christmas tree dahil sa dami ng latest electronic gadgets na naka-kabit sa katawan. All these courtesy of a high-paying job. Kaya feeling mayaman na rin. Pa-emba-Embassy na rin pag weekends. Mataas na rin ang taste at puro branded ang gamit. Not just keeping up with the Joneses but trying to be one baga.

Eh biglang nawala si trabaho. And they had to let go of things they can no longer afford. Isang maid na lang instead of 3. Wala na munang dalaw kay Vicky Belo para magpa-puti ng singit or kili-kili. Hindi na muna ire-renew ang membership sa Southwoods golf club. Wala munang bakasyon sa Phuket.

And why are they the worst-affected? Kasi hindi lang nawala ang mga luxuries na kina-sanayan na nila. But the hugely inflated ego that goes with it. Parang na-left hook ni Pacquaio ang mga pride nila. And that’s the worst thing to deal with.

Sila yong mga taong nakatikim lang ng foi gras at red wine for dinner eh hindi na marunong magpasalamat pag pritong isda na lang ang nasa mesa. Sila yong mga tipo ng taong ang definition ng buhay ay laging may kakabit na $ sign. At kapag kumonti, worse eh nawala ang powers ng datung sa buhay nila, parang mga naputulan na ng mga paa.

That's why i'm bracing myself for the worse. Hindi naman ako worried dahil lumaki ako sa hirap (at hanggang ngayon mahirap pa rin) kaya no big deal sa akin kung alisin ko man ang kaunting luho na natutunan ko while being a dollar-earner. I still know the value of my peso. Hindi ko kailangan ng Rolex para malaman ang oras. Besides, wala naman akong pambili. At masaya na ako sa luma kong relos na may Tasnee logo. At kahit paborito ko ang grilled salmon at mushroom steak, I can go back to pritong galunggong anytime na may ngiti sa aking mga labi. Ang sarap kaya non!

No comments: