Monday, January 19, 2009

sinibak at scud

Recently may nakausap akong kabayan na isang contractor sa kumpanya namin. That was the first time I met him kaya nag-start ako ng mga usual questions like ‘saan ka sa atin’, ‘ilang taon ka na dito sa saudi’ and ‘ano’ng kumpanya mo’. Never did I expect na yong simpleng tanong kong pambasag lang ng silence will unleash some boiling lava from the depths of his bitter soul.

In our very short conversation na kasing haba lang ng isang marlboro stick, ang dami agad nyang nasabi, mostly pagmama-asim (read: bitching, moaning and whining) tungkol sa trabaho, sa kumpanya nya, sa mess hall ng kampo nila and in general, sa buhay Saudi. Naisip ko tuloy na sana, hindi ko na kinausap si kabayan. Malay ko bang buryong sya sa pagiging contractor nya.

Dito kasi sa Saudi, pag contractor ka, medyo ‘kawawa’ ang kalagayan mo. It comes from the fact na karamihan ng mga contracting companies na ito ay maliit magpa-sweldo, hindi maganda ang benefits at hindi rin maganda ang living conditions. Every two years pa ang uwi kasi 2-year contract.

Medyo masakit tanggapin pag sa ganong kumpanya ka napunta. At mas lalong masakit when you start comparing yourself with direct employees na mas kilala sa tawag na mga ‘direct hire’. Sa mga hindi kasi nakaka-alam, direct employees are those directly hired by large companies like Aramco and SABIC, isama na natin ang kumpanya namin which is neither of the two pero kasing-standard din nila when it comes to salary and benefits not to mention the very generous year-end bonus.

Ang mga direct hire kasi, malalaki ang sweldo like my friend JunC na times ten ng isang contractor ang basic salary. Maganda ang benefits, malalaki ang allowance kaya nakakatira sa maayos na apartments like my friend Ega. Nakakabakasyon twice or thrice a year like my friends Irwin and Vayren, at business class pa ang plane ticket like my friend Raoul.

They can also enjoy the benefit of bringing over their families like my friend Ricky. Something na hindi pinapayagan (at ginagastusan) ng karamihan ng mga contracting companies. At ke may family ka o wala, pwede kang makabili ng magarang car like my friend Matt.

Kaya sa isang lugar na masyadong talamak ang discrimination na akala ninyo sa Pinas or sa States lang nangyayari, direct employees here are ‘gods’ at ang mga kawawang contractors are mere mortals. Pag puti ang ID mo, bida ka. Pag dilaw, you’re so kawawa.

Kaya nagmama-asim si kabayan. Pero ang hindi ko lang kinaya, masakit ang dating ng mga linya nya sa tenga. Masyadong bitter. And because of that bitterness, ako na noon lang nya nakita at nakausap, was given a bad impression of his personality. Masyadong nega ang dating. Sya yong tipo ng taong wag mo na lang kausapin kasi sasabugan ka lang ng kaasiman. Baka mahawa ka pa.

Dati rin akong contractor. Naranasan ko rin ang mga kinukwento ni kabayan. Naranasan ko rin ang ma-angasan ng mga direct hire. Yon yong first time kong mag-Saudi. Palibhasa walang alam sa takbuhan ng buhay dito, walang nag-advise at walang napagtanungan, basta na lang sumugod. Besides, ang lakad ko noon, mag-Saudi at kumita lang ng malaki compared sa swelduhan sa Pinas. Wala akong paki sa mga contra-contractor na yan at dire-direct hire.

Ano bang malay ko na ang magiging tirahan ko ay isang kampo na parang resettlement area. Na ang mga ‘bahay’ eh mga porta cabin at apat kami sa isang kwarto where the only thing that offers you privacy eh kurtina na ikakabit mo sa tapat ng kama mo. Buti na lang hindi ako dumanas ng bunker bed.

At hindi ko rin alam na at the freezing cold of winter morning, tatakbo ako from my room papunta sa shower. Pwede na nga akong sumali sa 100-meter dash noon sa bilis kong tumakbo. Coz if i don’t, maninigas ang panga ko sa lamig. What’s worse, open ang shower area, walang cubicles kaya may kasamang hanging habagat habang nagkukuskos ka ng singit mo. Masarap kung summer. Eh kung 5°C at minsan wala pang hot water, uurong pati buhok mo sa ilong!

Nagtiis ako sa pagkaiing mess hall noon like sinibak (beef cubes) at scud (breaded fried fish na pagbuklat mo nong breading eh maitim na ang laman dahil sobrang frozen). Dinanas ko rin na ang nasa clinic na akala ko’y doktor eh sabi sa chismis eh pest control daw ang trabaho!

Dinanas ko rin ang 2-year straight na walang uwian kaya pag-uwi ko ng Pinas eh para akong alien. Dinanas ko rin ang maliit na sweldo na lumalaki lang ng konti pag namaga na ang mata ko kaka-overtime. At dumanas din ako ng na-delay na sweldo pero ilang araw lang naman, fortunately hindi umabot ng months tulad ng iba.

But I took it all in stride. Took it as a learning experience. Tinanggap ko yong sitwasyon without turning myself into a sulking, bitching, moaning and whining fool. Pero, gumawa ako ng paraan to improve the situation.

Ngayon, naiisip ko na mabuti rin nga pala at na-experience ko yon. Kasi kung hindi, hindi ako makaka-relate kay kabayan. At hindi ko maa-appreciate ang mga bagay na meron ako that can easily be taken for granted ng mga taong hindi nakaranas ng ganoong experiences.

And most importantly, hindi ako napabilang sa mga may matinding discrimination sa utak, nagbabandera ng kanilang ID at buong ningning na nag-a-announce na ‘hoy, direct hire ako!’! Ayokong maging maasim in this way. At ayaw kong minumura ako pagtalikod ko dahil lang sa puti ang ID ko.

3 comments:

Anonymous said...

Totoo...maraming puti ang ID n astang mataas..pero mron ding marunong mkisama s 2lad nmin..cla yung mga nakakaintindi at alam ang pinagddaanan ng isang contractor lang..Abhoy "13"

Anonymous said...

first timer ako dito sa saudi.. contractor ako. may mga naexperience na akong maangas na puti ang palamuti sa leeg pero ung iba maayos at nag bibigay pa nang payo. uhm pag sinapak ko ba yung mga maangas na un eh pwede ba nila akong ipakulong? hehehe.. -XXVIII-

Dante said...

hahahaa... wag naman, tawanan mo na lang. malay mo baka insecure pa sa iyo dahil may alam ka na di nila alam or mas pogi ka.

prove to them na hindi lahat ay nadadaan sa kulay ng id.