Sunday, December 7, 2008

paalam, nanay puring

through text message po ay binalita sa amin ng aming kaibigan na si raoul this morning na wala na si nanay puring. something that came as a bit of a shock kasi wala naman kaming naririnig na may sakit sya. and my heart goes out to our dear friend raoul na alam kong mahal na mahal ang kanyang butihing ina.
.
nalungkot din po ako nang malaman ko yong balita. kahit hindi ko pa nakita personally si nanay puring, from the words sa kwento ni raoul, she was such a loving mother. kaya ramdam na ramdam ko yong feeling of loss ni raoul.

wala po akong ibang masabi kungdi ang aking heartfelt condolences to raoul and ricky. i pray na matanggap nila ito ng maluwag sa dibdib knowing that nanay puring has now ascended into a higher form of existence.

hindi na ako magko-quote ng bible verses in this situation dahil mas authority si raoul sa ganito. all i can say is that with the guidance of God above, and with the love naming mga kaibigan nya, we will pray for their family to overcome this very sad loss.

paalam po,

nanay puring

4 comments:

Anonymous said...

Ang hirap… masakit sa loob! Subali’t sa katunayan hanggang sa mga sumandaling ito… di pa kayang tanggapin ng puso’t damdamin ko ang katotohanan… masakit sa ulo… bigla bigla ka na lang iiyak… maluluha… pilit inaalala ko ang kanyang mukha nong huling kita ko sa kaniya… pilit iniisip kung ano ba ang huling pag-uusap namin!!! Kaya maraming salamat po sa mga tunay na kaibigan… mga ka-addik sa inyong pakikiramay… pakikidalamhati! Tunay nga na sa mga pagkakataong ito… di ko alam kung ano ang iisipin ko…! Imagine wala na ang unang babaeng pinag aalayan ko ng aking mga tagumpay sa buhay… ng aking mga pagsusumikap… aking kausap tuwing huwebes ng alas dose… wala na akong kukulitin na kung ano merienda nya na padalahan ako through sms…! Ang tanging konsolasyon ko na lamang ay… atleast nagawa ko ang lahat ng aking makakayanan upang mapaligaya sya hanggang sa huli…! Mananatili sya sa puso’t isipan ko pagbali-baligtarin man ang mundo! I love you Nay! (di ka na makakapag I love you too! sa akin).

Dante said...

totoo lahat yan. pero ang isang dapat nating ipag-pasalamat, ginamit natin yong ating chance na maipakita sa ating mga magulang kung gaano natin sila kamahal habang kasama pa natin sila.

what if hindi tayo naging ganito. what if pinabayaan natin sila saka sila nawala. hindi lang siguro masakit sa loob, masakit pa sa konsensya. and in that case hindi na tayo makakabawi pa dahil wala na nga sila.

we should take consolation from the fact na hindi natin sinayang ang pagkakataon. and our loved ones will leave this world na baon nila ang pagmamahal na binigay natin sa kanila.

we feel your loss. pero be strong. take strenght from God, your family and your friends. nandito lang kami for you.

Anonymous said...

Sorry kung ngayon lang ako nakapag comment, dahil actually ngayon din lang ako nakapag bukas ng blog ni Rodante, sang-ayon ako sa mga sinabi nyo na dapat mapaligaya natin ang ating mga magulang habang sila ay nabubuhay pa at hindi lang para sa mga magulang kundi sa mga taong mahal natin sa buhay, ramdam ko rin ang sakit na naranasan ng ating kaibigan na si Raoul, dahil nawalan rin ako ng ama kahit na matagal na panahon na ang nakakalipas, naalala ko pa rin ang sakit na naramdaman ko noon, how much more ngayon si Raoul bago lang na nawala si Nanay Puring, para kay Raoul be strong nalang kayo at alam naman natin na lahat tayo ay di makakatakas sa sumpa ng kamatayan as the Bible says in Hebrew 9:27 "..And just as it is appointed for man to die once, and after that comes judgment..." yon nga lang sa ibat-ibang paraan ginagawa ng Diyos, at least kung nawala man si Nanay Puring ay hindi pinahintulot ng Panginoon na sya ay naghirap sa ano man karamdaman, sa ganitong paraan naramdaman din natin na mahal tayo ng ating Dios...
God bless to your family our dear friend Raoul at lagi namin kayo pinagpi-pray na i-comfort ang buo mong sambahayan..TANDAAN MO... MAHAL KA NAMIN.........

Anonymous said...

041884