Sunday, October 5, 2008

makisawsaw ulit

there are days na hindi pwedeng hindi ako mag-react sa mga balita. today's one.
.
.
source: lahat yata ng news channels sa tv
headline: oj simpson found guilty of kidnapping and armed robbery, facing life imprisonment.
ay katagal na naman dapat nasa kulungan nyang oj na yan. 12 years ago pa dapat when his wife was brutally murdered. he was guilty as hell. iba lang talaga ang justice system sa america, maraming technicalities na pag pumalpak ang prosecuting panel, lulusot at lulusot ang salarin no matter how guilty he is.
:(
source : pilipino star ngayon
headline: pilipinas, hihingi ng danyos sa china
dahil daw sa gulong ginawa ng melamine-infected milk, (and two of the chinese brands found in the market were tested positive), hihingi daw ang philippine government ng compensation sa chinese government. napa-tawa ako ng malakas! eh sa spratly nga hindi nyo mapa-alis yong flags nila sa kini-claim nyong isla, eto manghihingi pa kayo ng compensation sa gatas! come on people!!!
:)
source : pilipino star ngayon pa rin
headline: psycho test sa mga ofw, walang bayad
siguraduhin nyo lang na walang bayad dahil kawawa na ang mga umaalis na ofw. kung ano-ano na ang pinababayaran ng mga walang-awang recruitment agency. as in baon sa utang bago maka-alis ng pinas. at saka please lang, siguraduhin nyong effective yang psycho test na yan. eh ang dami pa rin kayang nakakalusot na mga may sayad noh. i know some...
:)
source : manila bulletin online
headline : solons caution malacanang: don't sell petron, pnoc-ec
balak daw kasing ibenta ng philippine government ang shares nito sa petron at pnoc. what's wrong with this government? instead na mag-ipon ng lucrative investments, benta ng benta. bakit, kinakapos at kinukulang ba tayo sa budget? o baka naman kapos na ang naibubulsa ng mga magagaling na kurakot? kawawang pinas!
:(
source : abante online
headline : malakihang kupit aarangkada
aarangkada daw ang mas malupit na kupitan habang lumalapit ang 2010. pampondo daw ng mga tatakbo sa election. sabi na nga ba, kaya nagbebenta pati ng shares sa petron!
:)

No comments: