Thursday, May 22, 2008

mano po ninong

another retro pic.... nostalgic trip lang baga.
.
yong naka-checkered polo si Tatay. kahit po matagal na syang nawala sa mundo (1995), hinding-hindi nawawala sa puso at isip ko ang aking mahal na ama.
.
best friend nya ang ninong ko, si Rodrigo Godoy (ondoy, godoy... kaya siguro nagkasundo sila... hahahaha!). ako syempre yong naka-cowboy hat at yong katabi ko naman ay si atid (kinakapatid) na Francis na ang liit-liit sa pic namin pero last time na makita ko sya nong late 90's eh dambuhala na. imagine, pareho ng style ang mga tatay namin dahil pareho kami ni atid Francis na only child! sila yata ang mga unang advocates ng family planning... hehehehe
.
halos hindi ko na matandaan si ninong kasi bata pa ako nang magkahiwalay sila ng ninang Sancha ko at umalis sa aming bayan sa Mindoro. sabi ng Tatay ko noon, nagpunta raw ng Puerto Princessa (Palawan) si Ninong. for a while ay nagsusulatan ang mag-kumpare at natatandaan ko pa na nabasa ko ang sulat ni Ninong. nakapag-asawa na raw siya at may sariling pamilya na sa Puerto Princessa.
.
yon ang last na balita ko sa kanya. until now, hindi ko alam kung buhay pa sya at kung ano na ang nangyari sa kanya. sana naman nasa mabuti syang kalagayan. if not, baka nagkita na sila ni Tatay at pareho na silang mga pasaway kay San Pedro! hahahaha...
.
Ninong - nasaan ka man, hindi ako nagagalit sa yo kahit hindi ako nakaranas makapamasko sa iyo eversince! maganda nga yon, hindi ako natutong manghingi o mag-expect ng kahit ano pag pasko. at kung buhay ka pa, sana magkita tayo. ikaw ang papapaskuhan ko. pero kung milyonaryo ka naman, aba mahabang kwentahan ang aabutin mo!!!
...

3 comments:

Anonymous said...

How sad naman at di pa kayo ulit nagkita siguro namiss mo si father kaya hinahanap mo si ninong kasi di ang mga ninong ang tumatayong second parents natin. Hay bisyo ko na atang basahin yung blog nyo pampawala ng stress and nakapag-isip ng konti para mahasa ang utak. So keep it up!

Anonymous said...

How sad naman at di pa kayo ulit nagkita siguro namiss mo si father kaya hinahanap mo si ninong kasi di ang mga ninong ang tumatayong second parents natin. Hay bisyo ko na atang basahin yung blog nyo pampawala ng stress and nakapag-isip ng konti para mahasa ang utak. So keep it up!

Dante said...

hi linds! si father talagang nami-miss ko. spoiled ako don eh. alam mo even up to now, pag may problema ako, nagpapakita sya in my dreams. hindi ko sasabihing hindi nya ako iniiwan. 13 years na syang patay.

ang totoo non, hindi sya namatay sa puso at isip ko. totoo pala yon. sabi ko non dati, corny. pero totoo pala.

when i was writing my tribute to tatay (one of the earlier posts ko dito sa blog), napahagulgol talaga ako ng iyak. that time, na-realize ko, i've been keeping my emotions bottled up inside me. kaya sige, iniyak ko talaga. nasa office pa ako non huh! buti weekend kaya walang ibang tao.

si ninong naman, hindi ko masabing hinahanap ko sya kasi nga hindi ko na sya matandaan - walang emotional connection eh. pero yon nga, malay mo, milyonaryo pala sya! di makaka-singil ako! hehehehe!!! jowk!