Tuesday, May 20, 2008

kwentong barbero

I finally got a haircut yesterday matapos ang halos 2 months na hindi ako nagpapagupit. Wala na kasi yong long-time suki kong barbero and the last one na napuntahan ko eh hindi ako satisfied sa gupit na ginawa sa akin. This one, recommended ni Ricky. And it was one good recommendation dahil natuwa naman ako sa ginawa ni kabayan sa buhok ko. In short, one satisfied customer ako kahapon. But that’s not what I’m writing about. Aside from the gupit, something happened kahapon. Yon ang gusto kong i-share sa inyo.

In the short conversation namin ni kabayang barbero (na hindi ko man lang naitanong kung ano ang pangalan), natanong ko sya kung tulad sya ng ibang barbero na boundary system ang laban sa kanilang sponsor. Yong tipong nagbibigay sa sponsor nila ng agreed amount isang buwan at kung anoman ang sumobra, yon ang kita nila.

In his case, hindi raw ganon. Employee talaga sila nong hotel and they are being paid a fixed salary which means lugi sya dahil sa ganong klase ng trabaho, mas maganda ang chance kumita ng malaki kung boundary system. At kahit hindi ko tinatanong, dahil siguro sa frustration ni kabayan, sinabi nyang SR 600 lang ang sweldo nya. Plus 200 daw na food allowance and 200 fixed overtime pay samantalang 12 to 14 hours daw ang trabaho nila everyday. I-total mo man yon, that’s SR 1,000 monthly pay lang – approximately US$ 265 or Php 11,000. Medyo maliit sa isang nag-aabroad lalo na ngayon at mahal na kahit NFA rice.

For a while I struggled for words. Hindi ako makapag-comment kay kabayan. If I say something to commiserate, baka magatungan ko lang kung ano man ang frustration na nararamdaman nya. However, sya na rin ang nagtuloy ng conversation by saying na tatapusin lang nya yong contract at maghahanap sya ng ibang opportunity.

Kagabi, just before na makatulog ako, yong conversation namin ni kabayan ang iniisip ko. It had such an impact on me dahil sa sitwasyon ko. Na-realize ko na yong conversation na yon gave me a different perspective of my situation. A situation na ilang buwan nang naka-store at the back of my mind.

Close friends know kung ano ang nararamdaman ko sa trabaho ko ngayon. I wouldn’t elaborate pero nandon na ako sa point where I have seriously considered making another major decision. Something that, in my younger years, eh madaling gawin. Noon, pag sinabi kong that’s it, yon na yon. Whatever I have to do, I do it right there and then. No hesitations, no considerations.

Pasalamat naman ako dahil kahit ganon ako ka-impulsive noon, wala akong major decisions na pinag-sisihan ko. Nothing that led to some life-altering situations. Pero sabi nga, as we grow older, we should grow wiser. And this time, I think I've learned to control my impulses. Paunti-unti, natutunan ko kung paano yong sinasabing think twice.

Kaya yong problema ko sa trabaho, hinayaan ko lang. Whatever ngitngit na nararamdaman ko, I learned to deal with it. At sabi ko, I’ll just make the decision whenever the right time comes. Meantime, sabi ko sa sarili ko I’ll just let it be. Baka maka-kita ako ng solution or even a single clue kung paano ko ireresolve yong sitwasyon. At yon nga, mukhang yong usapan namin ni kabayan ang isang clue na hindi ko inaasahan, dumating.

I pity kabayan for his misfortune. Obviously, hindi maganda ang napuntahan nyang trabaho. Oo nga at may choice naman tayo pag nag-aaply sa Pinas, but I wouldn’t blame him na kumagat sa ganong klase ng sweldo. He must have his own reasons na hindi natin alam. At wala tayong karapatang kwestiyonin.

Pero hindi sya ang punto ko dito. Ang mga sinabi nya ang gumawa ng impact sa akin. Kaya wala man syang kaalam-alam, pero natulungan niya ako na i-appreciate kung ano ang sitwasyon ko ngayon. He was such an eye-opener for someone like me who has forgotten to appreciate things, good things, that have been coming my way. Things that I've been taking for granted for the longest time.

Hindi na-solve ng conversation naming yon ang problema ko. The fact remains that I still have a problem to face and resolve. But what that conversation did is that it reminded me of something I should have been doing all along. Na dapat pala, I should be looking at the situation from a wider perspective. Mas madaling mag-decide, at mas tama ang decision na mararating mo if you do that.

And that one, I owe to kabayang barbero. I promise I’d give him a bigger tip next time na magpagupit ako sa kanya.

6 comments:

Anonymous said...

Right time yung blog mo alam mo naman karesign ko lang after 13 years nagdecide na ako na magresign sa work nung una malungkot kasi namiss ko yung mga officemate pero tama naman si jorge hindi worth magtagal dun saka isip ko bawi na lang ako sa mga kids habang bata pa sila kasi darating ang time na lalaki na sila syempre ayaw na nilang kasama ang mga parents nila sa mga gimmick nila. ok thanks sa blog at minsan nalilinawan din ang isip namin god bless!

Dante said...

linds! yang mga ganyang comment ang nakaka-encourage kaya ako sulat ng sulat. if it helped you and gave you some kind of assurance kung tama ba o hindi yong naging decision mo, masaya na ako don.

pero you know what, para sa akin, i support your decision na sabi nga ni jorge eh mutual decision ninyo. oo nga at mahal mo ang work mo pero i'm sure you love your family - esp the kids - more than anything else. and to spend your time with them at this stage na bata pa sila, the best yan. nothing beats the caring and guidance of a mother sa tamang pagpapalaki ng mga bata. kaya saludo ako dyan and i'm sure you find a different joy now na nakakasama mo sila araw-araw.

besides, you have a great husband who's one great provider base sa nakikita namin sa kanya. kaya wala ka namang dapat ipag-alala sa finances ninyo. laki kita at overtime ni jorge noh! heheheh... so congrats talaga.

lam mo, tulad ka ng ibang friends ko dito sa blog ko... ni hindi ko pa na-meet personally pero ang sharing, parang magka-kilala na tayo! thanks a lot!!!

dennis said...

I have come upon this realization a long time ago. nong bata-bata pa tayo, puro talaga prinsipyo (which is not bad) and spur of the moment decision. sabi nga, never decide on something or anything for that matter, when angry, dahil you are more likely to regret the decision you made later. i've been doing my job for ages and several times over na akong na-burn out pero heto pa rin ako. ang wake up call ko naman ay iyong mga maintenance guys na nagtatrabaho sa initan ng araw at pag lunch time ay ang kinakain ay yogurt at chapati. it breaks your heart. iisipin mo nga, aba mapalad pa pala si kabayan at 1,000 riyals ang sweldo, itong mga laborer e 300 riyals. well - pasok na pasok ang "Desiderata" dito dahil "...if you compare yourself with others, you may become vain & bitter, for there will always be greater or lesser persons that you are." napahaba yata :-)

Dante said...

hi dennis... buti naman napadalaw ka ulit. thanks for the comment... alam ko pareho tayo, even karamihan ng mga kaibigan at kakilala natin na nagtitiis lang sa mga trabaho natin. pero ganon talaga.

let's just say na one day we'd look back and pat ourselves in the back for having stuck to it no matter what.

lapit na nga pala concert nyo huh. excited na ulit ako manood!

Dante said...

nakalimutan ko pala yong tungkol sa desiderata...

dahil nga siguro hindi ako conscious sa ganyan - comparing lalo na sa mga sweldo kasi totoo talaga, ayaw kong maging part ng system ko yon dahil yon nga ang umpisa ng pagiging vain or bitter ng isang tao.

kaya siguro nong marinig ko yong kwento ni kabayan, i was merely reminded na may mga taong mas malalaki ang problema kesa sa akin.

i know for a fact na may mga laborer, kahit nga janitor namin na bangla eh SR 350 lang ang sweldo. pero para sa isang kabayan, medyo nagising ako talaga. and again, without comparing, pero sabi ko sa sarili ko, mahiya ka nga. reklamo ka ng reklamo eh dapat nga magpasalamat ka pa. so really, it's not him. yong sarili ko ang may problema. naging instrument lang si kabayan. kaya nga thankful ako sa kanya.

o mas mahaba pala ito! hehehehe.

dennis said...

madalas akong dumalaw dito, bihira nga lang mag comment, "feeling lurker", in the real world "stalker" he he. check your email account, i've sent you 2 edited grapics, hope you like it. if not, ok lang. tulungan mo magbenta ng ticket si neil ha, kailanga namin mapuno ang venue sa concert :-), lagi naman kau naka-support jan, 'lam ko yon. see u then.