Sunday, December 23, 2007

usapang katas

Catchy ba yong title? Well if you’re expecting this is something green eh sori po kasi rated GP itong ating site! Hehehe! When I said usapang katas, I’m referring to that ubiquitous phrase that you see in every conceivable piece of property money can buy – jeepney, house, car, even pedicab na nilalagyan ng Katas Ng – wherever the money came from.

Pinauso ito ng mga pamilya ng Saudi OFW’s noon pang 80’s yata when you can see Katas ng Saudi sa karamihan ng mga pampasadang jeepney. Telling you that that moving piece of multi-decorated stainless steel eh nabili galing sa pagsasakripisyo ng isang miyembro ng kanilang pamilya sa Saudi.


Fast forward to 2007 and still, buhay na buhay pa rin ang phrase na yan. And it has evolved to so many other forms like the kaiyak-iyak na Katas ng Sibuyas in a jeepney whose owner is an obvious negosyante ng Sibuyas. Or the very metaphoric Katas ng Bakal na nakita ko sa van ng isang nagba-buy and sell ng junk materials. But nothing beats the original Katas ng Saudi. Nandyan pa rin sya at nakikita kong nakatatak, naka-dikit o nakapintura in many things na nahahagip ng aking singkit pero matalas na mga mata.


Bakit nga ba hindi nawala at nalaos ang phrase na yan, bakit hindi napalitan ng Katas ng Japan when thousands of our entertainers trooped to the land of cherry blossoms and Mt Fuji? O kaya ng Katas ng Tate when in truth eh napakarami na nating migrant workers, aside from the permanent immigrants, na nasa USA? O kaya Katas ng Italy ngayon na marami na sa ating mga kababayan are working legally or not sa bayan ng mga gondolas?


I think I can offer just one answer to that question.


Success tastes the sweetest when you’ve gone through the worst to achieve it.


Eh ano namang koneksyon non?


Eto. A piece of material possession is one’s trophy for his surviving the worst possible working conditions. Ang kotse, jeep o bahay nya ang kanyang award for having lived and worked his way through the worst. And to many of our kababayans, working in Saudi Arabia still ranks as the ultimate sacrifice one OFW can make.


Bakit na naman kamo? For a couple of reasons. Yong sobrang init at yong mahigpit na social/cultural laws ng bansa. Two things na sa tingin ng mga kababayan natin eh hindi appealing lalo na ngayon at kahit lalaki eh ayaw mabilad sa init ng araw dahil masisira ang balat nilang alaga ng Belo whitening soap. O yong mga mahihilig sa ABS. Hindi po yong channel ng Tv. I mean alak babae at sugal. Impyerno para sa kanila na mapunta ng Saudi.


Pero sa totoo lang, that is not entirely true. Hindi po Saudi ang worst destination for an OFW and working here is not the ultimate sacrifice you thought it would be. Which means, masyadong OA ang dramang ikinakabit sa linyang Katas ng Saudi. In fact, I think it is the most over-rated one-liner of the century.


Oo nga at topographically, Saudi has probably one of the worst summer heat in the world. Pero hanggang ngayon, nagugulat ako na marami pa rin sa ating mga kababayan na hindi alam na umuulan din sa Saudi ng todo – the kind of downpour that can easily submerge the whole Metro Manila in floodwaters in just a few minutes.


At marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagugulat pag nakukwento kong naka-experience na ako – not once but twice – na umulan ng yelo (hail to be more precise) sa lugar ko sa Jubail.
Kaya kung sa mga kababayan natin, ang picture nila ng Saudi eh yong extreme heat lang, sa mga nakaka-alam, mas grabe dahil may kasama pang extreme cold yon. That makes it worse.
But then again, yong mga nasa Jeddah, Abha and other mountainous areas, siguradong hindi mag-aagree. Dahil ang climate sa kanila eh parang Manila lang. Better yet, Baguio. And it doesn’t agree with the presumption na sobrang init sa Saudi Arabia.


Besides, hindi ba nila alam na mula bahay, hanggang sasakyan at hanggang office, naka-aircon karamihan ng tao dito? Kahit yong mga manual laborers na ang trabaho eh nasa labas, naka-bilad man sila sa init ng araw maghapon, pag-uwi naman ng mga yan, naka-aircon yan sa kanilang mga bahay.


So to generalize Saudi Arabia as hell on earth (in reference to the summer heat) is totally unfair.
Now let’s talk about the bigger issue. Yong culture.


Inaayawan ng mga mapiling job-seekers sa Pinas ang Saudi dahil sa culture. Because of the strict, male-dominated social and cultural situation, marami ang umiiwas dito at para bang yong mga tulad kong pumunta dito eh napaka-desperate na at wala nang ibang choice sa buhay.


Kaya pag may nakilala kang sosyalera, tataasan ka ng kilay sabay lilinyahan ka ng "so you’re working in Saudi huh".


Yes I am. And by the way, let me untog your ulo to the pader! Dahil sa true lang, Saudi is not as bad as you morons think.


Oo nga at mahigpit ang batas dito kaya hindi mo pwedeng dalhin ang mga bisyo mo. But come to think of it. Nag-abroad ka para kumita ng malaki, mai-ahon mo ang pamilya mo sa hirap or maka-ipon para sa future ng iyong family. Kung allowed pa rin dito (at least, legally) ang alak, babae at sugal, sa tingin mo ba may maiipon/mai-uuwi kang libo-libong dolyares tulad ng mga kaibigan kong sina Cesar, Homer, Longlong, Caloi, Raoul, Edgar Vayren, Irwin, Matt, Bienvenido Junior et al?


Look at Dubai or Bahrain kung saan may bars at pwede kang uminom, mag-disco at mag-date. Marami sa mga kakilala ko ang malalaki nga ang sweldo sa lugar na ito and yet, hirap na hirap pa ring makaipon. Paano, malaki rin ang nagagastos nila sa mga bisyo nila kaya halos walang maiuwi sa Pinas.


Balik tayo ng Saudi. Yong mga makukulit na pilit sinisingit ang mga kalokohan nila sa buhay, ano’ng nangyayari? Umuuwi na walang bitbit dahil nahuli at nakulong dahil sa ilegal na sabong o kaya eh gumagawa ng sadiki (a local concoction worse than gin bulag). At yong mga mahihilig sa chicks na nambibiktima ng mga kababayan nating nurse or dh, either nasira ang pamilya or umuuwing puro utang din ang bitbit dahil inubos na sa kareregalo ng cellphone sa kanyang mga chicks.


So, mahigpit man ang kultura ng Saudi, bakit hindi mo subukang tingnan ang side na nakita ko. I saw it as one opportunity to earn more and at the same time instill some discipline in myself. Nawala ang mga hindi ko magagandang ugali. Natuto akong makisama hindi lang sa mga kapwa Pinoy, international pa (and in the process acquired some good traits ng mga foreigners na ito – isn’t that more sosyal huh? Hehehe).


Nawala ang pagiging lakwatsador ko buhat ng mag-Saudi ako. Kung dati, inuumaga ako sa mga disco (ooppss, anong era pa ba yon), ngayon, matino na ako at tahimik sa bahay. Something you should start learning and achieving habang nagma-mature ka at tumatanda (aheem… umamin ba). Then you become more responsible not only to your family but most importantly, to yourself.


Magtitino ka rin kung may hindi ka magagandang ugali because you work, live and mingle with a crowd na puro lalake. Kung maangas ka, subukan mong mag-Saudi. Kung hindi ka man tumino, mababawasan ang kaangasan mo.


At yong notion ng karamihan na nakaka-homesick sa Saudi, siguro totoo yon nong unang panahon na puro disyerto at camel lang ang makikita mo. Pero ngayon, ibang-iba na ang sitwasyon. Because of technology, hindi ka na mag-aantay ng isang buwan para sa sulat galing sa pamilya mo. They’re just a text or phone call away. At pwede mo pa silang i-chat kung maturuan mo silang mag-online. Mag-C2C kayo. Aba, marami akong nakikita sa internet shops na enjoy na enjoy dyan, inuutusan pa ang misis nilang palabasin si junior sa bedroom! Hehehehe.
Better yet, dalhin mo sila dito dahil marami nang mga kumpanya ang nag-bibigay ng family visa sa kanilang mga empleyado.


Meron ding nagsasabing wala silang career sa Saudi. I myself can prove you wrong. Nag-prosper ang career ko dito from various on the job promotions sa dati kong kumpanya. Mapunta ka lang sa isang matinong kumpanya who can recognize your talent, you will earn the reward you deserve. Katulad ng countless kababayans natin who are respected in their own fields. Di tulad sa ibang bansa na aani ka ng discrimination and second-class citizen treatment. Sa Saudi hindi, dahil alam nila kung gaano kagaling, katalino at ka-abilidad ang Pinoy.


So what’s the fuss about the culture ng Saudi? Culture nila yon eh. Sumunod ka na lang. But learn to appreciate the things this culture does to you.


Hindi lang sya financially rewarding. You will also benefit emotionally dahil magiging matatag ka from the occasional hits of homesickness. Aside from the fact na pwede ka ring maging matatag spiritually dahil dito mo mate-test kung gaano ka katatag in your faith. Pag inalok ka na na mag-convert to their faith, kahit papano mag-uumpisa kang magtanong at mag-analyze ng kung ano ba talaga ang pinaniniwalaan mo.


So who said working in Saudi is pathetic at ang mga Saudi OFW eh kawawa? Sorry na lang kayo. Hindi po lahat. It’s better for some lalo na to those who stick to their original plan, remembers their reason kung bakit sila nag-Saudi, and in the end achieving their goals. A house and lot and a four-car garage of the latest Fortuner and Armada. Ewan ko lang kung may tatak na Katas ng Saudi under the hoods! Hehehe!


At yong mga sosyalerang nakilala ko na nilinyahan ako ng "so you’re working in Saudi" sinasagot ko na lang ng "Oh yeah. And you’re not." Coz they were obviously ignorant of the fact that I was glad to be an OFW in Saudi. Nagkapera na ako (hindi pa naman po yumaman huh), naging better person pa ako.


Eh bakit ko naman naisipang isulat ito? Kasi nga ang dami ko pang nakikitang stickers na Katas ng Saudi. Tapos ginawa pang pelikula ni Jinggoy at Lorna para sa MMFF. Eh sa tingin ko nga, masyadong over-rated yong Katas ng Saudi. Gawin na lang nating Katas ng Kaligayahan. Maganda pa! Hahahahah!!! Bliiiiippppppppp!!!!

No comments: