Monday, March 17, 2008

anabel's diamonds, pacman redux

And so huminto na naman ang mundo ng mga Pinoy kahapon (or kanina, depending on which side of the globe you're in). Lahat siguro ng mga mata, ke singkit, duling, banlag, naka-salamin o naka-contact lenses ke plain o kulay orange, naka-tutok na naman sa Mandalay Arena sa Vegas. Coz Manny is at it again. Up on the ring (bakit nga ba ring ang tawag dito eh square naman sya? Hmmm?) and doing his thing again.

Funny how this diminutive, rather ordinary looking guy has become such a gigantic figure in the sporting scene. Such a giant that in a stretch of his rather short arms to deliver a blow to his opponent, eh hindi lang yong panga ng kalaban nya ang tinatamaan. It also delivers a blow that wipes out boundaries and tear down divisions – at least for a moment.

O di ba at nag-declare pa ng ceasefire ang Philippine Government against it’s fight with the leftist group. Both the military and the insurgents wouldn’t dare miss his fight. Break muna sa barilan at pugutan ng ulo. Let’s enjoy Pacman muna. Have a break, have a Pacman (sounds familiar ba!).

Kahit mga holdaper, mandurukot, bank robbers and all the other petty offenders, nag-day off. They’d rather watch their idol on tv kesa rumaket sa lansangan ng Metro Manila. Ayan at for the second time eh nag-declare ang mga kapulisan na zero daw ang record books nila for street crimes in the metropolis. Hindi ko lang alam kung talagang walang nandukot o nangholdap. O nakatutok lahat ng pulis sa tv kaya hindi nakita ang mga nangyayari sa kalye.

Even Gloria who should be thinking of ways how to get herself out of the quagmire she’s currently in, ayun at talagang pinanood daw yong 12 rounds. Sa akin, palibhasa wala akong hilig sa boxing, that would be a total waste of 2 or 3 hours of my life. Afterall, ang importante lang sa akin eh malaman kung nanalo sya o natalo.

But of course a bigger number of the 86++ million Pinoys will disagree with me. Baka nga batukan pa ako dahil hindi ako nakiki-simpatya, cooperate and lend support to the Pambansang kamao. Parang KJ ako to the max coz I don’t share the frenzy of support the Pacman is being accorded.

Ayan nga at ang mga mapeperang pulitiko, negosyante at lalo ang mga artista, they all flew in droves to Vegas. To lend support daw to Manny. Pero sa totoo lang, gusto lang makita ang mga mukha nila on world-wide tv. Aba, HBO nga naman yon noh, something that they will never be able to do, kahit artista pa sila. So mas mabuti nang sumabit sa laban ni Pacman and get some exposure. Kahit split seconds lang.

What’s funny though, is what I read in Pilipino Star Ngayon na yon palang mga artistang nagpupunta sa laban ni Pacman, si Pacman ang nagbabayad ng mga plane tickets nila. Hindi lang nabanggit kung pati hotel kasama. But I was so appalled dahil all the while, akala ko mayayaman itong mga ito at patriotic yong reason nila for being there. To support Manny. Yon pala, libre ang tiket nila. Siguro hindi lahat huh. Pero Anabel Rama? Why would you buy a plane ticket for Anabel Rama eh mas malalaki pa nga ang diamonds nyan kesa sa mga flood lights ng Vegas strip!

But more than that, ang tanong ko, bakit parang inilalagay ng mga Pinoy sa balikat ni Pacman ang pag-asa ng Pilipinas? Parang nawawala sa tamang perspective ang mga bagay-bagay? Like politics. And priorities of the nation. Bakit nakahinto lahat dahil kay Manny? Are we saying that as of now, dahil sa kawalan natin ng pag-asa sa mga pulitiko, and some, even sa catholic church, si Manny na lang ang natitirang ray of hope natin to achieve something glorious and ecstatic?

Ganon na ba ka-desperate ang sitwasyon ng mga Pinoy?

Siguro nga. Dahil wala na tayong makitang matinong politicians that we can truly admire and respect. Siguro nga dahil kahit mga bishops ngayon ay tinatawag nang ugok ng isa pa namang supposedly high-ranking public servant. Siguro nga dahil kahit ang dapat na tinatawag nating Ina ng masang Pilipino ay nababalot ng kaliwa’t kanang akusasyon ng pangungurakot, katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng yaman ng namamatay na sa gutom at hirap na si Juan dela Cruz.

I've always declared na hindi ako kabilang sa statistics ng Pacman fans. Pero hindi man ako fan ni Manny, I always thank him for his win. Particularly this one. Hindi dahil nagbigay sya ng karangalan sa Pilipinas. Winning a boxing match happens not only in a blue moon. Maraming nananalo nyan. In any corner of the world. In any title na pinag-lalabanan. A boxing championship belt is no longer a rare find.

Pero ang epekto ng panalo ni Manny sa masang Pilipino, that’s what I’m thankful for. Dahil binigyan nya ng rason ang mga Pinoy to celebrate and forget whatever gigantic problem the country is facing. Kahit 3 or 4 hours lang, it was such a relief sa bugbog-sarado nang utak, katawan at buhay ng mga Pinoy.

At least, sa 3 or 4 hours na yon, nakalimutan nila ang init ng araw na kailangang tiisin para anihin ang palay sa kalinangan. Sa maiksing oras na yon, marami ang nakalimutan ang baho ng basurang kailangan nilang halukayin para makakita ng pagkaka-kitaan. At sa maiksing oras na yon, marami ang nabingi sa pag-kalam ng sikmura nilang hindi na nasasayaran ng pagkain ng tatlong araw. Ang importante, lumalaban si Pacquiao. At bonus pa na nanalo sya.

Such a joyous occasion all Pinoys should be proud of. Eh paano kung natalo?

Wednesday, March 12, 2008

ingat lang kabayan

May e-mail na namang umikot today relating a couple of incidents tungkol sa safety ng mga expats dito. Apparently, marami nang crimes sa paligid committed by locals sa mga tulad nating dayuhan.

Then na-alala ko, meron nga pala akong inumpisahang article. Eto tinapos ko para ma-share ko sa inyo. Small things that I do para mag-ingat. Mainly on serious risks na pwede nating makuha sa labas. Para makaiwas tayo mga bugbog o hodap, much more ang tuluyan kang mapahamak.

If you’ve got anything to add, by all means, please do. Malay mo makatulong.

1. Ito ang pinaka-importante: iwasan maglaboy mag-isa. Hindi naman ako empleyado ng Census o kaya AGB Nielsen para kumalat-kalat ng walang kawawaan sa kalye. Kaya hindi ako lumalabas ng bahay kung hindi kailangan. Lalo na kung gabi. Kung meron akong pupuntahan, as much as possible, kailangan may kasama ako. Kung wala naman akong kasama, pinapa-alam ko sa kasama ko sa bahay kung saan ako pupunta, at kung pwede, kung anong oras ang expected kong balik. Basta’t kung hindi rin lang importante ang lakad, asahan mong naka-kulong lang ako sa bahay. Mas enjoy akong manood ng tv, mag-babad online, kumain at, ang bes op da bes – matulog. Kung sawa na ako, andyan naman ang paglilinis, laba, plantsa o magsulat ng articles para sa blog ko (obvious ba sa dami ng posting ko!).

2. Hindi rin ako model ng Levis kaya hindi ako naglalagay ng wallet sa aking back pocket. Bukod sa nasisira ang iqama at mga credit cards, nakarinig na ako from a friend na na-hablot ang wallet nya. Habulang umaatikabo dahil ang tumira, mga kabataan na member siguro ng relay team kasi si wallet, pinagpasa-pasahan habang tumatakbo. Pero kung talagang feeling mo eh wala kang pwet pag hindi don nakalagay ang wallet mo, at least ingatan mo na lang. Huwag mong hayaang naka-dungaw at nag-he-hello sa malilikot na kamay.

3. So saan nakalagay ang aking wallet, cp at kung ano pa? Sa isang bag na nakasukbit sa left shoulder ko crossing towards my right side. Yong sukbit na parang grade 1 para hindi madaling agawin. Tapos SOP pa na hawak ko ang strap kung wala din lang akong bitbit. In fact, mabuti at ganito ang naging ugali ko. Dahil minsang naglalakad ako, nagulat ako kasi may humatak ng strap galing sa likod ko. Yong tipong hablot na kung hindi ko hawak ang strap, dala ang bag ko. Bata din na naka-bike. Buti hindi nagtagumpay ang buhong. Kung hindi, magpapa-ikot din ako ng e-mail with matching appeal for my iqama!

4. Para naman akong model ng Orbit dahil meron akong satellites na umiikot sa likuran ko anytime na naglalakad ako sa labas. Kaya malawak ang peripheral vision ko. In short, lagi akong alerto. Matalas ang pakiramdam. Lalo kung may nasa likod ako o sumasabay na maglakad. Pati mga sasakyan, pinakikiramdaman ko lalo na kung bumabagal ng takbo. Ganon ako ka-praning. At pag may kasalubong naman akong naglalakad, malayo pa lang, tinatantiya ko agad ang kilos. Kung mukhang balasubas, iiwas ako para hindi ko siya makasalubong. Umiiwas din ako sa mga tambay na kabataan. Malayo pa lang, umiiba na ako ng daan. Yan kasi ang mga loko. Hindi ka man holdapin, bigla ka namang hahampasin o babatuhin ng kung ano.

5. Kung tatawid ako, hindi ako gumigilid ng husto sa edge ng rampa. White Lady lang ang hindi takot na mahagip ng sasakyan no. At kung nasa island ako, don ako sa bandang gitna nag-aantay hanggang makatawid ako. Medyo malayo para hindi ako mahagip na kung sino mang baliw. May mga narinig na kasi akong hinampas ng tubo o kaya sinabuyan ng tubig ng dumadaang kotse. Yong mga tipong sabog na nag-trip lang. Marami na rin dito non.

6. First floor lang ang tinitirhan ko kaya kung may susunod na baliw, madali akong masundan. Kaya bago ako humugot ng susi para buksan ang main door, lumilingon ako para masigurong walang halimaw sa likod ko. Marami na rin akong narinig na napasok ang bahay kasi nasundan, tinulak habang nagbubukas ng pinto. Kaya nalimas ang gamit ng walang kalaban-laban.

7. Hindi ako walking advertisement ng Nokia kaya hindi ko pinaparada ang cp ko sa kalsada kahit lumang model naman to. Kung nasa kalye ako at nag-ring sya, hahanap ako ng isang sulok o kaya papasok ako ng isang shop bago ko yon sagutin. Uso na dito ang snatching, mga bata lang na naka-bike, di mo na aaubtin ang cp mo. Kaya natatawa na lang ako sa ating mga kababayan na nakikipag-usap sa cp nila habang naglalakad sa kalye. Feeling VIP ba pag naka-cp silang naglalakad. Di ba!?

8. Marami na ngayon yong makakasalubong ka tapos aalukin ka ng relos o ng cp. O kaya may itatanong kuno o nagpapatulong. Hinding-hindi ako pumapatol dyan. Kung gusto kong bumili ng gamit, pupunta ako ng shops o mall pero hindi sa mga ganyan. Either maloko ka dahil akala mo nakamura ka eh peke naman pala yong nabili mo. At yong mga magpapatulong kuno, careful ka dyan kasi bigla kang itutulak sa kotse at dadalhin kung saan para ma-holdap. O ma-rape! May kakilala akong nakaranas na nito. (Katawa pa nga dahil lalaki sya pero pinag-hihipuan daw sya sa loob nong kotse!!! Bading ang mga goons??? Hahahaha!!)

9. Para din akong Martian na laging nakataas ang radar pag nag-e-ATM ako. Pag gumagawa na ako ng transaction at may pumasok, tinitingnan ko talaga ang mukha. Yong tinging may ibig sabihin. Double purpose yon. Una para mahitsurahan ko kung may gawin man sa aking masama. And secondly, kung walang intensyong masama, pinapa-alala ko lang sa kanya na hindi sya dapat pumapasok don habang may tao sa machine. Pwera na lang kung pila-balde at swelduhan. Yon talaga, blockbuster ang ATM pag ganong panahon kaya wag ka nang mag-reak.

10. Karugtong na rin ito nong number 1 ko. It’s about being alone. Hinding-hindi ako nagta-taxi mag-isa lalo na kung colorum. Di ba ang dami na dyang nasa mga kanto na illegal taxis. Sasakay lang ako sa ganyan kung meron akong kasama. Pero kung ako lang, tatawag na lang ako ng legal na taxi service. Mahal man ang bayad, sigurado naman (kahit paano) na hindi ako maho-holdap o kaya ay mari-rape at ibabaon sa disyerto.

In general, dapat lang na lagi tayong aware sa paligid natin lalo na kung nasa labas tayo. Kasi, kung matalas ang pakiramdam mo, madali kang makakapag-react. Kung panay ang emote mo, dyan ka madadale.

O, contribute na mga kabayan para naman makapag-ingat tayo.

Tuesday, March 11, 2008

whoa! how'd he do that???

a friend forwarded this... really cool!


Sunday, March 9, 2008

more ribbons

yesterday we're back in ribbons, ayaw talagang paawat ng mga adik. this time, si ega naman ang sponsor. 3 large pizzas and cakes were just too much for the five of us (orgee, ega, matt, tito bong and me) kaya umuwi silang may bitbit na doggie bag. sino kayang nag-dinner kagabi ng pizza... hmm? eniweys, matt got his ultra hip and cool camera kaya heto ang mga shots... enjoy!














dream on, baby!!!

A friend forwarded an email today about Bill Gates finally being dehtroned as the world’s richest man. I looked it up quickly at the net and true enough, his 13-year reign has now ended according to the latest ranking released by Forbes.

What’s surprising is the fact that he was not disloged by just one guy. Dalawa ang tumalo sa kanya - Warren Buffet (fellow American) and Carlos Slim Helu (Mexican) – thus putting him in the 3rd spot.

From ranks 1 to 3, tigtu-2 billion US$ lang ang gap nila. Warren is at $62 billion, Carlos at 60 and Bill at 58. Masyadong malapit ito and I think it wouldn’t take long and we’ll see another shuffling of the top 3. Malayo naman ang gap ni Bill sa number 4 na si Laksmi Mittal who used to be the only Indian and a regular fixture sa top 10 billionaires list.

But Laksmi doesn’t have Indian exclusivity to the top ten anymore. 3 new Indian billionaires are now occupying the 5th, 6th and 8th positions. Sinong magsasabing mahirap ang India!?

Nawala sa top 10 ang ibang regular names tulad nina Li Ka-Shing, Lawrence Ellison and Roman Abramovich. Overall, two Filipinos made it to the billionaires list – Lucio Tan is ranked 785th with $1.5 billion worth and Henry Sy at 843 with 1.4.

You might ask me – ‘eh ano namang pakialam ko sa mga billionaires na yan?’. Naku, wala nga po. Pero natutuwa akong bantayan ang rankings na nilalabas ng Forbes. For somebody like me whose ultimate dream is getting rich, parang Oscar awards itong ranking ng Forbes.

Sana bigla akong tamaan ng sangkatutak na swerte at bigla akong i-declare ni Warren Buffet na receiver ng kanyang buong estate. Tipong sa akin iiwan ang bilyones nya pag namatay sya! Naku, I’d better make a plan pag nagkanon. Malaking responsibility yon pag nagkataon. Let’s see….

First thing na gagawin ko is to travel the entire world – particularly every country in Europe. Investment ang negosyo ni Warren pero concentrated sa US ang pera nya. Ida-diversify ko agad to a wider market. Dapat ma-penetrate ang Lichtenstein at Luxembourg. Pwede na rin kahit Andorra.

And if I’m staying for extended period sa mga business transactions ko sa Europe, I couldn’t stay in a hotel all the time. Hindi makatarungang magbayad ng $18,000 per night kahit presidential suite pa yon sa Ritz Paris. Bibili na lang ako ng isang penthouse suite sa isang residential condominium somewhere in the Champs Elysee area. Kailangang magtipid, baka magalit ang nagpamana ng pera!

At syempre hindi lang France ang base ko so I would also need a log cabin in the Swiss Alps and an apartment in The Hague. Pwede na rin ang isang castle in the UK like Dunnottar Castle in the Aberdeenshire area. That, of course, is in addition to my mansion in Beverly Hills and another penthouse suite in 5th Ave., New York.

Hindi rin pwedeng puro trabaho ako so I would need a beach house in the Bahamas and another one in the Cayman Islands where I will do most of my banking also.

Pag nasa Carribean ako, kailangan ko na ng isang 300-ft yacht para malibot ko na rin ang ibang island nations tulad ng Turks and Caicos, Antigua and Barbuda, Martinique, Barbados at St Vincent and the Grenadines.

To shuttle between Europe, the Carribean and the rest of the world, kailangan bumili na ako ng sarili kong jet. I’d prefer a Gulfstream 550 o kaya Falcon 900EX kasi mabilis ang travel. Pero kung long-haul flights, dapat customized A380 na para hindi ako mahirapan. Afterall, $300million lang naman yon. Papalagyan ko ng suites sa upper deck para makatulog ng maayos. Sa baba, dapat may malaking dance floor para hindi boring ang 14 hour flight!

But of course, kung may fleet of jets ako, kailangan ko rin ng fleet of cars. So I’d probably have a 36-ft stretch limo to bring me to different occasions. Black limo kung dinner concerts or the opera and a white one kung fund raising events lang or Presidential inauguration ang pupuntahan ko. Kung medyo casual naman ang occasion, I would need a fleet of Bentlys and Maseratis. And if I’ll just go clubbing, dapat Ascari A10 ang gamit ko. Or a Bugatti Veyron kung manonood lang ako ng finals match ni Federer and Roddick sa US Open.

Of course, hindi naman puro trabaho at lakwatsa ang dapat kong isipin. I have to give back to the community also. Like any other filthy rich philanthropists, I’d support various charity works. Pero dapat sa Pilipinas lang.

But instead of building charity houses, feeding centers and other usual stuff, I’m planning something on a bigger scale. Tatakbo akong Presidente ng Pilipinas. Tulad ng mga bulok na pulitiko sa atin, I’d use my billions para sigurado ang panalo ko. Then, pag nanalo na ako, I will hire a puppet President na gagawa lahat ng trabaho according to my directions. Remember, busy ako sa business transactions ko all over the world. So magha-hire na lang ako ng best CEO from Donald's The Apprentice.

Wala syang gagawin kungdi patakbuhin ng maganda ang gobyerno and give Philippines a better economy. Dapat ma-improve din nya ang educational system, public service at peace and order. Pero hinding-hindi sya pwedeng mangurakot as well as all the cabinet members, Senators, Governors, Congressmen at lahat ng government officials. Anybody who does that, dadalhin ko sa ituktok ng Corcovado statue sa Rio. At ihuhulog ko sya doon para hindi na sya umulit!

Grabe ba ang dream ko? Aba, libre naman mangarap eh kaya plis lang, pagbigyan mo na ako. Tutal pag nagkatotoo naman, kukunin kita as my personal bodyguard! Hehehe!

Thursday, March 6, 2008

pizza afternoons

This week nagbalikan ang dalawang adik members na nagbakasyon sa Pinas. Matt gave me pasalubong na dried pusit and goldilocks polvoron while Ricky boy’s loot bag included some candies na nginunguya ko sa office. Thanks again guys.

Sa true lang, dati, never kong naging ugali na mag-pasalubong ng kung ano-ano galing Pinas. Sa mga office mates ko dati, minsan dadalhan ko ng T-shirt. But it’s not a regular thing. Hindi sa nagkukuripot ako pero hindi ko kinarir lalo na’t laging rush ang empake ko pabalik coz of so many things na inaasikaso ko sa Pinas. But since I became an adik member, napilitan na (hehehe)… adik tradition kasi. Kahiya namang receive ka nang receive pero never kang give!

Eniweys, back to Matt. He liked Ribbons a lot kaya dalawang araw na sunod syang nagpa-meryenda ng pizza and cakes. Kwentuhan ng mga gimik nila ni Ricky sa Pinas lalo na sa Kabayan Hotel at Sogo and some adventures in Tagaytay including an encounter with a girl na gumawa ng pelikulang Takbo sa dilim, Sisa!! (hehehe… papatayin ako ni Matt nito). Then today, Ribbons pa rin kami kaya that was three days in a row. Sabi ko nga sa may-ari ng Ribbons na si Larry, dapat bigyan na kami ng VIP card.

Si Orgee naman ang sponsor today na kahit iika-ika eh kinarir pa ang pagwi-weyter. Palibhasa may interest (vested? hehehe… jowk) sa Ribbons. Sinita pa ako dahil di ko raw bino-blog ang mga chikahan namin. Kala ko si Raoul lang ang blog patrol ko, meron pa palang iba!

As usual, kung ano-anong napapag-usapan. Pero today ang pinaka-grabe dahil naglabasan ng mga ka-berdehan. Naumpisahan kasi sa chat ng mga kalokohan. Kaya pati sa bus hagalpakang umaatikabo. Palibhasa walang board of censors! (Hi Raoul, enjoy your vacation! Sigurado pagdating mo ikaw naman ang magpapa-Ribbons! Hehehe.)

Sabi ko nga magastos na bisyo to kung araw-araw. Buti na lang 15SR lang ang yummy pizza (o ayan Larry ha, dapat talaga may discount card na kami!) But more than anything else, itong mga chikahan na ito does something really good sa katinuan ng mga tulad naming pare-parehong stressed sa trabaho.

Although in those three days naman, walang masyadong bmw na napag-usapan. Pero kung pipilitin siguro ako eh para akong bulkang sasabog. But I’d rather not. Mas gusto ko pang i-enjoy ang mga insane conversations ng grupo tapos hahagalpak ng tawa (meron bang hagalpak ng iyak, Raoul?) kesa magbuhos ng sama ng loob. Afterall, pag nakatawa na ako, wala na, relieved na kahit papano.

It shakes off the dust of negative vibes nibbling on me and in the end, I can think more clearly. At malaking factor yon sa pag-iisip ng tama kung ano ba ang magiging next move ko. And for that, I’m thankful na may support group akong ganito.

O ayan mga adiks ha… indirect TY yan for being the adiks that you are!

Teka nga muna, bago nga ako mag-emote, look na lang tayo sa mga wonderful shots ni Master Matt na galing Pinas. Magaganda ang mga flowers from the garden of his Nanay. Visit nyo na lang blog nya... http://espiyangmandirigma.blogspot.com/

(matt, second time ko na mag-try mag-post ng comment, nagha-hang ang pc ko! post mo rin dito yong sa flicker + photo bucket mo, di ko alam ang url eh)

Tuesday, March 4, 2008

a constant existence

Virgin Atlantic has just flown from London Heathrow to Schipol airport with one of it’s four engines partially running on bio-fuel. Beaming with pride si Richard Branson sa Euronews report kasi nga ground-breaking itong flight ng kanyang carrier.

Obviously, this is an attempt to do something about the global warming issue. Kasi nga, aircrafts daw are the biggest offenders when it comes to carbon footprint. Ang isa pang maganda nito, hindi lang global warming ang naso-solve. It also provides alternative solution to another huge problem that is fossil fuel running out in the very near future. Di nga ba analysts say that oil reserves in the Middle East are estimated to run out in 30 to 50 years time.

Dapat mag-celebrate tayo dahil mukhang killing two birds with one stone yong bio-fuel. Kaso, environmentalists think otherwise. Mas malala daw na global warming ang mararanasan natin if we clean-out vast areas of land para pagtaniman ng coconut (the main ingredient ng bio-fuel na ginamit sa flight).

In effect, parang sinasabi nilang it’s one vicious cycle dahil sa global warming pa rin ang bagsak natin kahit pa nakakita tayo ng isang effective alternative fuel.

Ewan ko naman kung nagko-kontrabida lang itong mga environmentalists. Or maybe they are just having reservations regarding the sudden change. Baka hindi sila comfortable from the idea of riding a plane with bio-fuel instead sa long-time nang naka-sanayan na jet fuel.

Yon ang isang problema sa kahit anong changes na ii-introduce mo. Be it in your business or your personal life. Lalo na sa trabaho mo. We do not accept change quite easily. Coz we have the tendency to stick to what we have been routinely doing. Naka-develop na kasi tayo doon ng comfort zone. Knowing that we have done something for so many times, hindi na tayo nangangapa. Thus giving us the confidence to go through it without any worries.

Kaso, hindi pwedeng sa buhay natin, we maintain a constant existence. We have to deal with variables any day, any time. And how to deal with change is something not many people can handle well. Kaya sumulpot ang mga consulting services who specialize in change management.

Fortunately, naka-intindi ako ng ilang basics ng change management in my previous work. Something which I am trying at my level best na i-apply sa current situation ko. Dahil I’ve come to a point where I have to do some considerations, serious thinking and a big step out of my comfort zone.

Leo ako at sabi ko nga sa header nitong blog, I pursue with much ardor kung ano man ang mapag-tuunan ko ng pansin. Ganon din ako pag nag-decide. Diretso. Because I do careful analysis bago ako mag-decide. Kaya pag dating ko sa isang decision, I can never be shaken unless may force majeur.

Buti nga ngayon, nag-iisip na akong mabuti. When I was still a bit younger (and that wasn’t so long ago, mind you), pag naisip kong ganito, yon na yon. Decision na yon. And I will go ahead with it no matter what. Pasalamat naman ako kasi I haven’t had major regrets so far sa mga decision ko sa buhay.

But now, of course, supposedly older and wiser na ako. So I will go through the whole process. And whenever I’ve come to a decision, dito sa dantespeaks nyo agad malalaman. Meantime, that’s it muna. Umpisahan ko nang mag-analyze.